Home Headlines Resorts sa Bataan dinadayo na

Resorts sa Bataan dinadayo na

585
0
SHARE

ABUCAY, Bataan — Unti-unti nang tumatayo at bumabawi  ang resort industry sa Bataan matapos ang mahigit dalawang taon na iginupo ito ng pandemya. 

Ang Raven Resort sa tabi ng Roman Superhighway sa Barangay Gabon sa bayan ng Abucay ay isa sa mga dinadayo na ng mga bisita tulad nitong Linggo.

Maraming bata sa resort sapagka’t itinuturing itong child-friendly dahil sa mga magagandang padulasan o slides, palaruan, at magandang paligid. Ayon kay Leony Hernandez, Raven Resort manager, mas okay ngayon at mas marami ang tao “Hindi tulad noong may problema sa coronavirus disease na wala talaga at zero. Ngayon kahit papaano ay dumarami na.”

Raven Resort manager Leony Hernandez. Kuha ni Ernie Esconde

Bumabalik na, ani Hernandez, sa dating dami ang mga bisita. “Kumpara noong wala pang pandemya, halos 70 percent na ang dumarating ngayon at sana ay tumaas pa ang bilang. Wala namang restriction at kung ano lang ang dating pasok ng mga tao ay iyon lang din ngayon.

Hindi naman umano sila nagkukulang sa paalaala  na mag-ingat at panatilihin ang health protocol.  

“Punta kayo sa Raven Resort na along the Roman Superhighway lamang sa Abucay. Madaling hanapin at masisyahan kayo sa aming mga facilities,” anyaya ni Hernandez.

Halos puno ang  mga open cottages ng Raven Resort nitong Linggo kung saan masayang kumakain at nagkukuwentuhan ang mag-aanak at magkakaibigan.

Alerto sa pagbabantay sa bawat swimming pool ang mga lifeguard at ibang tauhan.

Ang entrance fee ay P150 mula 9 a.m. – 4 p.m. at P200 mula 2 p.m. – 9 p.m. para sa walong taong gulang pataas at P80 mula 9 a.m. – 4 p.m. at P100 mula 2 p.m. – 9 p.m  para sa 2 – 7 taong gulang.

Maraming open hut at mga cabin na mapagpipilian.

 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here