Home Headlines Resort na ang tubig galing sa sibul, dinarayo

Resort na ang tubig galing sa sibul, dinarayo

564
0
SHARE

ABUCAY, Bataan — Dahil sa init ng panahon, ang mga resort sa Bataan tulad ng Sibul Nature Spring Resort sa bayang ito, ang nagiging puntahan ng mga tao upang pansamantalang mapawi ang init na nararamdaman.

Isang Olympic-size swimming pool at isang swimming pool para sa mga bata ang abala ang marami sa paglangoy at paglalaro. May dalawa pang swimming pool na pangbata ang kasalukuyang inaayos.

Halos okupado rin ang mga open cottages kung saan masayang nagluluto, nagkakainan at nagkukuwentuhan ang mga bisita.

Nawiwili ang mga naliligo sa mga swimming pool dahil ang tubig dito ay mula sa sibul kaya malamig.

Sinabi ng mga tauhan ng resort na humina lang ng kaunti ang tubig ng sibul dahil sa El Nino ngunit sapat pa naman upang suportahan ang mga swimming pool. Sa gitna ng mainit na panahon, dumadaloy pa rin ang tubig sa katabing batis.

Bukas ang resort ng alas – 7 ng umaga hanggang alas-4 ng hapon mula Martes hanggang Huwebes at alas-7 ng umaga hanggang alas-6 ng gabi kapag Sabado at Linggo. General cleaning at maintenance kung Lunes at Biyernes kaya sarado ito.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here