Kung batid mong ikaw ay nandaya lamang
Kaya ka nanalo sa isang halalan,
May mukha ka kayang haharap sa bayan
Kapag nagsimula ka nang manungkulan?
Partikular na kung alam mong hindi ka
Nanalo sapagkat gusto ka ng masa,
Kundi ng dahil sa binili mo sila;
May kasiyahan ka kayang madadama?
Kung may konsensya ka, palagay ko’y wala;
Pagkat ang sarili mong multong ginawa
Ay di hihiwalay sa iyo ng kusa
Kahit ika’y nasa gitna man ng iba.
At marahil hanggang sa huling sandali
Ng panunungkulang nakamit sa hindi
Wasto at maka-Diyos na pag-uugali
Ay di mabubura ang nagawang mali!
May “peace of mind” nga ba kayang madadama
Sa sarili itong ang panalo nila
Ay binili lang n’yan kundi man talaga
Nandaya lang itong iba sa kanila?
At kung saan pati ang di residente
Sa isang lugar ay pineke n’yan pati
Ang “place of residence” para lang pumuede
Silang mag-Congressman o maging Alkalde?
Gayong itong iba ay taga Makati
Maynila, o kaya parting Paranaque;
Kahit pa ma’t sila’y nakatira dati
Sa Pampanga, ngunit ngayon lang umuwi.
Pero hindi upang dito sa Pampanga
Muling manirahan kundi (bumisita?)
At nagparehistro bilang residensya
Ng lugar kung saan dating nakatira;
At ya’y para lamang sila maka-habol
Bilang congressman o kaya gobernador,
Kung di man konsehal at/o isang mayor
Na kagaya ng sa isang bayan ngayon;
Kung saan tama at siya’y pinanganak
Dito kung saan yan humabol at sukat,
Bilang mayor at siya naman ay pinalad
Na mahalal, pero kwestyonable dapat
Ang residensya n’yan, pagkat sa Makati
Siya nakatira’t doon naglalagi;
At siya’y bihira na nga pong umuwi
Sa kung saan siya nakatira dati.
Ipagpalagay na nating inilipat
Ng “mayor-elect” ang residensya dapat,
Pero ang opisyal nitong pamalakad
Magampanan kaya n’yan ng walang liwag?
Para sa bayan niya, gayong itong si Mam
Ay sa Makati nga namamalagi yan
At madalang pa sa kidlat sa tag-araw
Ang pagsipot n’yan sa sinilangang lugar?
Huag nawang mangyaring gaya ng paalis
Na alkalde… kung di pumasok ng Lunes,
Ay ‘sanglinggong di mo makapa sa opis;
At baka ganyan din ang kanyang kapalit!
Kaya ka nanalo sa isang halalan,
May mukha ka kayang haharap sa bayan
Kapag nagsimula ka nang manungkulan?
Partikular na kung alam mong hindi ka
Nanalo sapagkat gusto ka ng masa,
Kundi ng dahil sa binili mo sila;
May kasiyahan ka kayang madadama?
Kung may konsensya ka, palagay ko’y wala;
Pagkat ang sarili mong multong ginawa
Ay di hihiwalay sa iyo ng kusa
Kahit ika’y nasa gitna man ng iba.
At marahil hanggang sa huling sandali
Ng panunungkulang nakamit sa hindi
Wasto at maka-Diyos na pag-uugali
Ay di mabubura ang nagawang mali!
May “peace of mind” nga ba kayang madadama
Sa sarili itong ang panalo nila
Ay binili lang n’yan kundi man talaga
Nandaya lang itong iba sa kanila?
At kung saan pati ang di residente
Sa isang lugar ay pineke n’yan pati
Ang “place of residence” para lang pumuede
Silang mag-Congressman o maging Alkalde?
Gayong itong iba ay taga Makati
Maynila, o kaya parting Paranaque;
Kahit pa ma’t sila’y nakatira dati
Sa Pampanga, ngunit ngayon lang umuwi.
Pero hindi upang dito sa Pampanga
Muling manirahan kundi (bumisita?)
At nagparehistro bilang residensya
Ng lugar kung saan dating nakatira;
At ya’y para lamang sila maka-habol
Bilang congressman o kaya gobernador,
Kung di man konsehal at/o isang mayor
Na kagaya ng sa isang bayan ngayon;
Kung saan tama at siya’y pinanganak
Dito kung saan yan humabol at sukat,
Bilang mayor at siya naman ay pinalad
Na mahalal, pero kwestyonable dapat
Ang residensya n’yan, pagkat sa Makati
Siya nakatira’t doon naglalagi;
At siya’y bihira na nga pong umuwi
Sa kung saan siya nakatira dati.
Ipagpalagay na nating inilipat
Ng “mayor-elect” ang residensya dapat,
Pero ang opisyal nitong pamalakad
Magampanan kaya n’yan ng walang liwag?
Para sa bayan niya, gayong itong si Mam
Ay sa Makati nga namamalagi yan
At madalang pa sa kidlat sa tag-araw
Ang pagsipot n’yan sa sinilangang lugar?
Huag nawang mangyaring gaya ng paalis
Na alkalde… kung di pumasok ng Lunes,
Ay ‘sanglinggong di mo makapa sa opis;
At baka ganyan din ang kanyang kapalit!