Home Headlines Rescue-MARCH para sa ‘The Big One’ ginawa sa Bulacan

Rescue-MARCH para sa ‘The Big One’ ginawa sa Bulacan

538
0
SHARE
Ang mga rescue participants sa ilog ng Taliptip sa pagsasanay ng pagresponde na dadaan sa kailugan. Kuha ni Rommel Ramos

BULAKAN, Bulacan —- Bilang paghahanda sa “The Big One” ay ginawa sa Bulacan ang Rescue Mass Assembly for Rescue & Care for Humanity (MARCH) na dinaluhan ng ibat-ibang rescuers mula sa National Capitol Region at sa nasabing lalawigan.

Ang scenario ng Bulacan Rescue-MARCH challenge na ginawa nitong Sabado ay naitayo na ang Marcelo H. Del Pilar International Airport sa Barangay Taliptip, Bulakan, at tumama dito ang 7.2 magnitude earthquake ng alas-4 ng madaling araw.

Ang objective ng mga rescuers ay dalhin ang mga biktima ng lindol patungo sa rescue center sa Bulacan Sports Complex na may layong 18 kilometro mula sa airport. 

Ang mga kalahok ay may kabuuan na 35 teams na binubuo naman ng tig-8 na rescuers na magsasakay sa mga biktima ng lindol sa rescue boats dahil walang madadaanan ang mga sasakyan matapos bumagsak ang mga poste ng kuryente at nasira din ang mga tulay na ang tanging access lang sa lugar ay kailugan.

Pag-ahon mula sa ilog ay sasailalim naman sila sa 12-kilometrong endurance march, ambulance transport at pagbubuhat sa mga biktima ng isang kilometro.

Bukod sa pagsasanay ay layunin din ng nasabing Rescue-March na ipakita ang koordinasyon ng mga PDRRMO, CDRRMO, at MDRRMO kung tatatama ang ganoon kalakas na lindol lalo na kung naitayo na ang nasabing international airport.

Ayon kay retired Col. Manuel Lukban, hepe ng Bulacan PDRRMO, dapat na mapalakas ang samahan at koordinasyon ng mga rescuers na magtutulungan sakaling tumama nga ang nasabing sakuna.

Tiyak aniya na kakailanganin ng ibat-ibang mga rescuers ang tulong ng isat-isa para sa mas mabilis na responde na mailigtas ang mga magiging biktima ng malakas na lindol.

Matatandaan na una nang ginawa ang Rescue-March noong 2015 sa Taguig, 2016 sa Calabarzon at Maynila, 2018 naman sa Camarines Sur at sa Bulacan noong 2019.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here