HAGONOY, Bulacan—Umani ng pagbatikos sa pamilya ng nalunod na binata sa Labangan Channel ng bayang ito ang Rescue 566 ng Bulacan dahil sa mabagal na responde.
Ang nalunod ay nakilalang si Conrado Villanueva, 23 anyos, binata, residente ng Barangay Sto. Rosario bayang ito at isang tricycle driver. Hindi pa nakukuha ang bangkay ng biktima habang sinusulat ang balitang ito nitong Biyernes.
Batay sa ulat, medyo lasing ang biktima nang magtungo sa bahay ng kanyang nobya sa Barangay San Pedro ng bayang ito noong Huwebes ng gabi at sa di malamang dahilan ay nagpunta ito sa ibabaw ng tulay sa man-made na Labangan Channel.
Ayon sa mga saksi, nahiga sa gabay ng tulay ang biktima at di nagtagal ay biglang nahulog bandang alas 7:30 ng gabi.
“Humingi pa siya ng saklolo habang lumulubog-lumilitaw pero hindi namin nasagip dahil sa malalim at malakas ang agos ng tubig,” ani isang saksi
Sinabi naman ng ina ng biktima na si Angie Villanueva na tumawag sila sa Rescue 566 ng Bulacan ngunit hindi agad rumesponde ang mga ito.
“Ipagpabukas na daw ang paghahanap sa kapatid ko sabi nung taga-Rescue 566,” ani Virgilio Villanueva, kapatid ng biktima.
Ipinaliwanag naman ni Liz Mungcal, hepe ng provincial disaster management office na namamahala sa ipinagmamalaking Rescue 566 ng Bulacan na inilunsad noong Agosto 15 na unawain ng mga tao ang assesment ng kanilang grupo.
“Base sa survey sa area ng team namin, delikadong lumusong ang divers, walang malaking spotlight, malakas ang agos at halos isang kawayan ang lalim ng ilog,” ani Mungcal.
Gayunpaman, hindi pa rin kumbinsido ang pamilya ng biktima at nagpahayag ng pagkadismaya sa Rescue 566.
Ang Rescue 566 ay isang emergency rescue team na inilunsad ng kapitolyo noong Agosto 15 at inihalintulad sa iginagalang na Rescue 911 ng Amerika.