Home Headlines Republika Park sa Malolos pinasinayaan

Republika Park sa Malolos pinasinayaan

1019
0
SHARE

Ang interactive dancing fountain sa harap ng bagong Malolos city hall. Kuha ng Malolos City Information Office



L
UNGSOD NG MALOLOS Sa saliw ng sayaw at ilaw ng interactive dancing fountain sa harap ng bagong tayong city hall ng Malolos, pinasinayaan ang bagong gawang People’s Republika Park.
Ayon kay Mayor Gilbert Gatchalian, maaaring matunghayan ang interactive dancing foundation tuwing Biyernes, Sabado at Linggo mula alas-6 ng hapon hanggang alas-8 ng gabi.

Ito ay alay, aniya, sa mga pamanang dala ng pagkakapasinaya ng Unang Republika ng Pilipinas na naganap sa simbahan ng Barasoain noong Enero 23, 1899, mula sa pagkakatamo ng karapatan sa edukasyon, makapili ng relihiyon, makaboto o maiboto at iba pang karapatang sibil.

Kaya’t bilang simbulo ng pagpupugay sa Unang Republika, kumpletong inilagay sa parke ang ebolusyon ng mga naging watawat ng Pilipinas mula sa panahon ng Katipunan ni Andres Bonifacio hanggang sa kasalukuyang watawat na ipinagawa ni Pangulong Aguinaldo.

Sa gitna ng 3,486 metro lwadradong People’s Republika Park, nangingibabaw ang 40 talampakan na tagdan ng kasalukuyang watawat ng Pilipinas.

Nagkakahalaga ang kabuuan ng proyekto ng P26 milyon na nagmula sa Local Government Support Fund-Assistance to Cities ng Department of Budget and Management.

Ang parkeng ito ay kasalukuyang nagsisilbing malaking open space para sa 10 ektaryang Malolos City Government Center kung saan matatagpuan ang bagong city hall at ilang tanggapan ng pamahalaang nasyonal.   Shane F. Velasco/PIA3

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here