Renz Fernandez new lover ni Kris Bernal

    338
    0
    SHARE
    Thankful si Kris Bernal sa Little Nanay dahil sa teleseryeng ito nabigyan siya ng chance to work with the best actors gaya nina Nora Aunor, Bembol Roco at Eddie Garcia. Pati na sina Sunshine Dizon at Paolo Contis na pinapanood lang niya dati.

    “Dahil sa Little Nanay, nagkaroon ako ng mga mommy at batang fans, as young as two-year-old. Nakakatuwa at Tinay ang tawag nila sa akin at nalaman ko, alam ng mga bata ang theme song namin sa show at sumasabay silang kumanta,” sabi nito.

    Dahil din sa Little Nanay, baka magka-love life uli si Kris dahil pursigido na si Renz Fernandez na ligawan siya. Inalis na nito ang takot na baka mabasted siya at wish nitong makasama si Kris sa Valentine’s Day. Ito’y kahit may ibang suitors si Kris.

    Aminado si Kris na mahihirapan siyang tapatan o higitan ang acting niya sa Little Nanay dahil para silang totoong pamilya sa set. Hanggang March pa ang airing nila.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here