Home Headlines Relocation site bantay-sarado sa bantang salakay ng Kadamay

Relocation site bantay-sarado sa bantang salakay ng Kadamay

513
0
SHARE

NORZAGARAY, Bulacan – Bantay-sarado ang NorzHome Subd. Ng National Housing Authority sa Barangay Bitungol dito dahil sa bantang pagsalakay ng grupong Kadamay.

Simula ng Lunes ng gabi ay naka-alerto na ang homeowners, barangay at kapulisan sa paligid ng relocation site at iniisa-isa nila ang lahat ng mga papasok at lalabas ng subdivision ng pagkakakilnalang I.D.

Nasa apat na gate ang mahigpit na binabantayan ng mga kapulisan at mga tauhan ng barangay.

Ito na ang ika-apat na pagkakataon na nakatanggap sila ng impormasyon na pagbabanta ng grupo na sasakupin ang pabahay at hindi sila papayag na sakupin ng Kadamay ang mga kabahayan dito.

Ayon sa impormasyon, nasa 1,500 pamilya na ang nakatira sa loob ng relocation site sa ngayon.

Ngunit may nananatili pang 1,500 na housing unit ang wala pang nakatira na posibleng tinatarget ng Kadamay.

Samantala, itinanggi naman ni Kadamay Bulacan chairman Beth Guererro na may plano silang sakupin ang Norzhome.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here