Home Headlines Rektang Bayanihan: Pulisya namahagi ng relief packs, kumupkop ng pamilya

Rektang Bayanihan: Pulisya namahagi ng relief packs, kumupkop ng pamilya

788
0
SHARE

Pinangunahan ni Lt. Col. Alexie Desamito, hepe ng Talavera police station, ang pamamahagi ng relief packs sa mga higit nangangailangan ngayon panahon ng ECQ. Ipinadalang larawan



TALAVERA, Nueva Ecija —
 Bitbit ang mga relief packs, sinadya ng mga pulis ang mga pamilyang higit na nangangailangan dito sa gitna ng umiiral na enhanced community quarantine.

Ayon kay Lt. Col. Alexie Desamito, hepe ng Talavera police station, daan-daang pamilya ang kanilang nabahaginan ng suporta sa kanilang Rektang Bayanihan at Adopt a Family with Smiling Heartprogram.

Ilang sunud-sunod na araw itong isinagawa alinsunod sa programang “Kapwa Ko, Sagot Ko,” ng Police Regional Office 3 sa pamumuno ni Brig. Gen. Rhodel Sermonia, ani Desamito. 

Sa nasabing bilang, 24 ang persons with disabilities, 21 ang poorest of the poor, 51 sa Muslim community, 15 tricycle drivers, at 10 laborer ang nakatanggap na ng tulong.

Sa ilalim naman ng Bayanihan Adopt a Family/Indigent Family, kung saan ang indibidwal na pulis ay pipili ng isang pamilyang susuportahan sa panahong ito ng matinding pangangailangan, ay umabot 110 ang kanilang benepisyaryo, ayon kay Desamito.

“Nakatutuwa dito dahil yung ating mga pulis ay talagang automatic na ang pagtulong lalo na sa Adopt a Family,” dagdag pa ng opisyal.

Samantala, mahigpit na ipinatutupad ng pulisya ang mga patakaran o protocol sa ilalim ng ECQ sa kabila nang mayroon pa rin daw pasaway na nagtatangkang lumabag, lalo na sa social distancing, paglalasing at pagsusugal.

May pagkakataon, aniya, na dumagsa ang mga sasakyan sa kabayanan kaya inisyuhan nila ng citation ticket ang ilang motorista.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here