ZARAGOZA, Nueva Ecija – Bilang tugon sa pangamba ng daan-daang magsasaka sa Nueva Ecija na malugi sila dahil sa pagkabansot at wala sa panahong pamumulaklak ng kanilang tanim na SL-8 hybrid na palay, personal na sinuri ng matataas na opsiyal ng Department of Agriculture (DA) ang ilang apektadong bukirin dito.
Sa pangunguna ni ARD Eduardo Gonzales, kinausap din ng mga opisyal ang mga magsasaka upang malaman ang kanilang sariling obserbasyon.
Sa bayang ito ay umaabot sa 756 na ektarya ang sakahang binalasa o pinatay ng mga magsasaka ang kanilang SL-8 na binhing tanim na palay at tinamnan na lamang ng iba.
Ayon kay Danny Arsenal, sa 10 ektaryang palayan, lima umano ang kanyang binalasa dahil sa pangambang mawalang saysay ang kanilang panahon at pagod. Kung makakapasok pa nga, aniya, ang traktora ay babalasahin din niya ang natitirang 5 ektarya.
Nauna rito ay napaulat na nabansot at namulaklak sa edad na 30 araw ang ilang palay na mula sa SL-8 Agritek. Anila, dapat ay umabot ng hanggang 90 araw bago lubusang magbunga ang naturang binhi, ayon sa magsasaka. sa edad na 115 araw aanihin ang hybrid.
Ang binhi ay binili ng DA mula sa SL-8 Agritek sa halagang P4,000 kada 20-kilogramo sako. Ibinibenta naman sa magsasaka sa subsidized price na P2,500 bawat sako kaya’t P1,500 ang sagot ng gobyerno.
Dahil hybrid, isang 20-kilogramong sako lamang ang kailangang binhi sa bawat ektarya.
Ayon sa provincial agriculture’s office (PAO), may 31,000 sako ng SL-8 ang binili para sa Nueva Ecija.
Tumanggi pang magbigay ng konklusyon si Gonzales matapos mag-inspeksiyon sa mga palayan, kabilang ang sa bayan ng San Isidro. Ayon sa kanya, hanggang sa anihan ang pag-o-obserba na gagawin ng DA.
Gayunman, halos hindi na raw mahalata o walang nakikitang masyadong epekto sa sinasabing off-type o tila halong binhi.