HERMOSA, Bataan – Patuloy ang registration ng mga botante sa Bataan araw-araw kasama na ang Linggo ng hanggang alas-9 ng gabi na nagsimula noong ika-22 ng Oktubre.
Isang mag-asawang parehong vendor ang nagsabing wala naman silang nakikitang problema sa kanilang pagrerehistro sa opisina ng municipal election registrar sa Hermosa.
“Ngayon lamang kami nagkaroon ng pagkakataon kaya ngayon lamang kami nagparehistro,” ani ng mag-asawa.
Ayon kay Julita Pastelero, election registrar ng Hermosa, wala silang kakulangan sa registration forms. “Marami kaming forms at maging ang iba man sa 11 bayan at isang lungsod sa Bataan,” aniya habang inaayos ang mga tapos na application.
Ang mga accomplished forms ay dadalhin sa provincial office ng Comelec sa Balanga City at pagkatapos ay sa main office sa Manila.
“Jingle [pag-ihi] lang ang pahinga namin at masakit na ang mga buto namin dahil hanggang alas-9 kami ng gabi araw-araw Lunes hanggang Linggo,” sabing pabiro ng registrar.
Maganda naman aniya ang pagtanggap ng mga mamamayan sapagka’t well-informed ang mga tao matapos na sila’y makipag-uganayan sa mga opisyal ng bawat barangay.
Mas titindi umano ang kanilang ”laban” sa Oktubre 31 sapagka’t ito ang huling araw ng registration na hanggang alas-12 ng hatinggabi. Ang validation naman, aniya, ng mga application para sa mga old voters ay hanggang katapusan pa naman ng Nobyembre.