Home Headlines Rehabilitasyon ng healthcare facilities sa Camarines Sur at Bohol, tapos na ayon...

Rehabilitasyon ng healthcare facilities sa Camarines Sur at Bohol, tapos na ayon sa BDO Foundation

458
0
SHARE

Kumpleto na ang mga isinagawang rehabilitasyon ng BDO Foundation sa iba’t ibang rural health units (RHUs) sa Trinidad, Bohol, at sa mga munisipalidad ng Sagñay, Nabua, Gainza at Goa sa Camarines Sur. Dahil dito, inaasahang mas lalawak pa ang access ng mga komunidad sa mga medical needs at health assistance.

Mahigit 100 barangay at halos 248,000 indibidwal ang magbebenepisyo sa pangunahing pangangalaga sa kalusugan ng mga ina (primary and maternal care), pagpapakonsulta, laboratoryo, pangangalaga sa ngipin (dental care), pagpaplano ng pamilya (family planning), pagpapabakuna (vaccination), pangangalaga sa kalusugan ng manganganak at nanganak (pre- and post natal care), at ang pagpapagamot sa sakit na tuberculosis.

Ayon sa BDO Foundation (BDOF), nakatuon ang rehabilitasyon ng mga RHUs sa pagsasaayos ng mga pasilidad at waiting areas para sa mga senior citizens, palaruan ng mga bata, opisina, klinika, kwarto para sa konsultasyon, at mga treatment rooms.

Layunin ng mga proyekto na maitaas ang kalidad ng healthcare delivery para sa mga indibidwal na umaasa sa tulong-medikal mula sa mga RHUs.

“Pangunahing misyon namin ang makatulong sa pag-angat ng buhay ng mga komunidad kaya tuluy-tuloy ang rehabilitation ng mga RHUs,” ani BDOF president Mario A. Deriquito.

Mula noong 2012 hanggang sa kasalukuyan, ang BDO Foundation ay nakapag-paayos na ng 160 RHUs sa iba’t ibang komunidad ng bansa.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here