Home Headlines Registration sa nat’l ID system patuloy

Registration sa nat’l ID system patuloy

689
0
SHARE

Panayam sa mga nangasiwa sa national ID system pre-registration na sina PSA-Bataan supervisor Michael Alegre (kaliwa) at PSA-Samal registration officer Noel Mendoza. Kuha ni Ernie Esconde



SAMAL, Bataan
Patuloy ngayong Martes ang pre-registration na ginaganap dito ng Philippine Statistics Authority para sa Philippine Identification System o ang national ID system.

Ayon kay Michael Alegre, PSA supervisor sa Bataan, ang PSA ay nagsasagawa ng pilot testing sa mga piling lalawigan sa bansa, kabilang ang Bataan.

Ipinaliwanag niya na sa ilalim ng step one, tanging mga demographic data o basic information lamang ang itinatanong sa applicant bilang paghahanda sa aktual na registration sa itinakdang mga registration centers.

Si Noel Mendoza, PSA registration officer sa Samal, ang isa sa nagsagawa ng pre-registration sa Barangay Sta. Lucia. Sa maikling interview, itinatanong  niya sa mga pre-listed applicants ang kanilang tirahan, petsa at lugar ng kapanganakan, marital status, at contact number.

Pagkatapos ng maikling tanungan at pagkuha ng larawan ng applicant, binigyan ni Mendoza ng appointment slip ang applicant tungkol sa kung kailan ang final registration at pagkuha ng biometrics application tulad ng fingerprint, iris-scan at front-facing photo.

Sa Sta. Lucia, halimbawa, ang ilang napabilang sa pre-registration ngayong Martes ay naka-schedule sa January 24, 2021 para sa final interview at biometrics.

Sinabi ni Alegre na nagsimula sila ng pre-registration sa 14 na barangay ng Samal kung saan may mahigit 7,000 aplikante noong Oktubre 12 at magtatapos sa Disyembre 31, 2020.

Mahigpit, ani Alegre, ang safety and health standard ng PSA kaya sa final registration ay apat lamang na aplikante bawat oras ang mapo-proseso dahil sa masusing disinfection ng makinang gagamitin.

Sa reaksiyon ng mga residente tungkol sa pre-registration, sinabi ni Alegre na “napakaganda, tanggap ng mga tao at okay.”

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here