WALANG TALENT FEE sina Regine Velasquez, Cacai Mitra at Raul Mitra, singer at composers respectively ng Believing In Me, ang tribute song ng Gabay Guro para sa mga teacher.
Ang wish ni Songbird ngayon, makanta niya nang live ang song sa harap ng mga guro at mangyayari at matutupad ang gusto niya. Ang bale kapalit ng non-tf ni Regine ay libre niyang na-promote sa presscon ng Gabay Guro ang February 14 Valentine’s Day concert nila ni Martin Nievera na Voices of Love sa MOA Arena.
Also, bibili ng tiket ang PLDT para ipamigay sa mga guro. Visit n’yo na lang ang Facebook page ng Gabay Guro at i-follow sa Twitter. Ang Believing In Me rin ang carrier single ng album na tiyak ipamimigay sa mga teacher. May 18 songs ang album na hindi namin naitanong kung ibebenta o exclusive lang sa Gabay Guro.
Na-share ni Regine na noong bata pa siya, gusto niyang maging guro, pero hindi siya nakatapos ng college. Ang kunswelo nito, napagtapos niya ang mga kapatid at nagbunga ang sakripisyo niya.
Sa presscon, ibinalita nina Mr. Butch Meily at Chaye Cabal-Revilla ang tuluy-tuloy na tulong nila sa mga guro at ang pagpapatayo ng classrooms sa Tacloban, Palo, Tolosa at Ormoc City.
May fund-raising din sila sa Los Angeles at iimbitahan si Regine at dahil sa involvement ni Songbird, volunteer na rin siya ng Gabay Guro.