Regine Velasquez pinupuntirya ni Robin Padilla

    415
    0
    SHARE

    Nag-request pala si Robin Padilla na si Regine Velasquez ang kuning leading lady niya para sa Totoy Bato ng GMA 7. Lumalabas na may simpatya si Robin noon pa man kay Regine at ito na nga ang pagkakataong makatambal niyang muli ito.

    In the past, sino mang nagustuhang leading lady ni Robin Padilla ay naging ka-on niya sa totoong buhay nung siya ay may bad boy image pa. Pero nang magbagong-image na si Robin, hindi na siya na-link sa sino mang naging leading lady niya.

    Pero teka, paligtasin kaya niya si Regine kung sakali? Knowing na itong si Regine, medyo madaling kumagat noon sa mga leading men niya, hindi kaya masungkit siya ni Robin?

    We here think not.  Nakatali na si Regine kay Ogie Alcasid and we all know kung gaano siya ka-devoted dito. Hindi biro ‘yung kontrobersyang pinagdaanan niya with Ogie kaya hindi niya basta itatapon lang ‘yun sa isang Robin Padilla. But who knows? Abangan natin kung mali-link silang dalawa.

    Kunsabagay, naging magkatambal na sina Robin at Regine sa isang Viva movie noon. Yes, na-link man sila, ‘yun ay gimik lang ng promo ng movie nila.

    Ngayon kaya, maging gimik pa rin lang kaya kung sakali?

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here