Idinenay nga lang niya na may elevator na silang ipinalagay na sa unang ginawa nila ay waley.
“Wala namang elevator! Escalator, hahaha! Sosyal, ’di ba? Hayaan mo na. Huwag mo nang i-mention ’yon,” pakiusap ni Regine sa presscon sa Luxent Hotel ng intimate concert niyang Regine… At The Theater na gagawin sa The Theater ng Solaire Resorts and Casino sa weekends ng November.
Sabi pa ni Songbird, hindi naman doble ang laki nu’n kumpara sa unang bahay. “Makadoble naman kasi, hahaha! Hindi naman. In-extend lang namin nang konti. Kasi nu’ng nagkaroon kami ng Nate, siyempre, nu’ng lumalaki na siya… kasi the house was built thinking it was just the two of us (ni Ogie), hahaha! Mali nga ako roon, eh. Kasi hindi ko naman siya tinanong, eh.
“Ni hindi ko inisip na malaki pala ang family ko. Malaki ang family niya. Hindi ko naisip na pupunta pala sila roon. ’Yung ganoon.
“Basta ang inisip ko lang, dalawa lang naman kami. Liitan mo na lang… until dumating si Nate. Parang ang sikip-sikip na with all his toys. Siyempre, he needs space to run around.
Alam mo ’yon?
“Kasi wala naman kaming garden. A little bit of space for him to move around. Kaya naman na-decide na siguro it’s really time to have it medyo extended nang konti. Tutal meron pa namang space.
“Plus, family day is very important for both of us, for both Ogie and I. We like having families in our home. “Kasi once a week na lang nga ’yon, eh. I actually enjoy it very much. So, sabi ko nga, time na talaga, kasi sabi ko nga, ang laki na ng pamilya ko. Parang hindi na talaga kami kasya sa maliit na dining area. It was so tiny before.
“Now, it has more, a little bit of space. Mas kasya na kami nang konti, pero hindi pa rin.
Medyo malaki-laki na nang konti. Pero hindi naman siya nadoble. It’s still the same. Na-extend lang nang konti,” paliwanag ni Reg.
Medyo magulo pa raw ang ilang gamit nila sa bahay. “Kaya nga medyo nai-stress ako ngayon, eh. Inaayos ko pa. Ang hirap magsalansan ng mga box, hahaha! Iniisa-isa ko kung ano ’yung nandoon.
“’Yung mga panty ko, hindi ko alam kung saan napunta!” saad ng singer-actress.
Grabe naman ’yon. So, wala siyang panty ngayon?
“’Wag kang maingay! Bastos ka! ’Yung ganoon ba? Hindi mo alam kung saang box ’yung ganito. Kaya ang hirap!” sey pa ni Reg.
At least, ready na siya ’pag gabi?
“At least, ’di ba? Hahaha! Hayaan mo na,” sakay naman ni Songbird sa biro namin.
“Konti na lang ’yung isu-sort out ko. ’Pag nanay ka pala, ito ang trabaho mo, ’no? Nakakatawa.
At least, na-experience ko, hahaha!” biro niya.
Anyway, ilan sa guests ni Regine sa intimate concert niya ay sina Jonalyn Viray, Aicelle Santos at Audie Gemorra sa petsang November 7, 20, 21 at 28.