Hindi mapigilang mapikon ni Regine Velasquez-Alcasid sa mga komento ng isa niyang follower sa Instagram last Sunday.
Nagkomento kasi ito ng hindi maganda tungkol sa asawang si Ogie Alcasid.
Ang mga nasabing komento ng follower na nakagalit kay Regine ay ang mga sumusunod: “’Wag kang lilipat kung ayaw mong mawalan ka ng fans!”; “@ogiealcasid, wag mong isama si Regine sa TV5. Malaos kna, wag lang siya!”; “@ogiealcasid, kahit hindi ka namin gusto kay Regine, tinanggap ka nami! Wag mo siya isama sa 5! Kung malalaos ka ikaw na lang!’
Para kay Regine, masyadong personal ang atake kaya naman hindi siya nakapagpigil at sumagot siya nang bonggang-bongga.
Heto ang sagot ng Asia’s Songbird: “Lastly hmmmmm hindi ko alam close pala tayo na kailangan mong tanggapin ang asawa ko.
“Actually hindi ko masyadong naiintindihan kung bakit parang magugunaw na ang mondo kung lilipat ako??
“Ah mawalang galang na po pero BUHAY KO PO ITO.
“At sino ba kasi ang nagsabi na lilipat ako ha? May alam kaba na hindi ko alam?? Nakausap mo ba si MVP o si Mr. Gozon o si Gabby Lopez kaya??
“Nakita nyo ba ako sa tv na nagsabing I’m moving?? Paki-explain.
“Malaki po ang pasasalamat ko sa inyong lahat sa patuloy ninyong pag suporta sa akin,? but as you can see i don’t appreciate being told what to do or being patronized. O ha, ingles yan ha?
“At higit sa lahat matutuwa ba ako na iniinsulto nyo ang asawa ko?? Kung ikaw ako matutuwa ka ba?
“Masyado naman po yatang personal na ang atake. Trabaho lang po ito wala pong personalan.
“Again taos po sa puso ko ang pasasalamat ko sa inyong lahat na sumuporta sa akin.?
“At day, bago ko i consider ang feelings mo try mo rin kaya i-consider ang feelings ko o ng asawa ko pag iniinsulto mo sya ha, try lang, payong Kapatid lang O Kapamilya O Kapuso.”
Pero humingi rin naman ng dispensa si Regine sa aniya’y “madamdamin” niyang post.
“Pasensya na po kayo sa madamdamin kong las post. I don’t understand why some of you would always blame my husband for anything and everything gooooooosh?
“Ang bait bait po ng asawa ko he doesn’t deserve all that. Sa totoo lang po mawalang galang na po uli pero sobra na po akong na wiwirdohan bakit po parang Diyos ang turing nyo sa mga artista hindi po kami Diyos tao lang po kami.
“Hindi po masamang humanga ako man ay isa ring tagahanga. Pero para po sakin isa lang ang karapat dapat na sinasamba at hinahangaan… Jesus gave his life for all of us, he and only he deserves to be praised,” post pa ni Regine.
Pero ang million dollar question pa rin na hindi nasagot ni Regine ay kung lilipat ba siya o hindi.