MASINLOC, Zambales – Pinaalalahanan ang publiko ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) na mataas parin ang level ng red tide sa mga shellfishes o lamang dagat na nakukuha sa Masinloc Bay dito.
Ito ay batay sa resulta ng isinagawang pagsusuri ng BFAR sa lugar kung saan ang Paralytic Shellfish Poisoning (PSP) toxin level ng mga shellfish samples na nakuha sa nasabing lugar ay may mataas na red tide toxin.
Dahil dito, inabisuhan ng BFAR ang publiko na iwasan munang kumain, at magtinda ng mga lamang dagat mula sa baybayin ng Masinloc hangga’t hindi bumababa ang toxin level nito.
Subalit nilinaw ng BFAR na ang mga isdang galing sa baybayin sa nasabing lugar ay ligtas namang kainin basta sariwa ang mga ito at hugasan mabuti tanggalan ng lamang loob bago ito iluto.
Kaugnay nito, patuloy naman ang ginagawang monitoring ng BFAR ang coastal waters ng Masinloc Bay upang mapangalagaan ang kaligtasan ng publiko at protektahan ang industriyang pangisdaan ng probinsya.