Di ko ninanais panigan si Among
O itong sa korte’y nag-file ng “Petition
For Recount” sa naging resulta po noon
Ng 2007 (national) election.
Dito sa Pampanga, sa pagka-governor
Kung saan nanguna ang priest-turned-governor
Laban sa dalawang nakalaban nitong
Sina Mark Lapid at Mam Lilia ng Lubao.
Ng higit-kumulang sa dalawang libong
Boto lang kung kaya posibleng may habol
Ang ‘second runner up’ na dili’t iba itong
Si Pineda kaya posibleng may habol;
Sa alegasyon niyang kaya siya natalo
Ay bunsod ng dagdag-bawas diumano
Na kagagawan ng kampo ni Panlilio,
Bukod sa ‘vote buying’ at iba pang isyu.
Na idinadahilan kung bakit nagwagi
Sa halalan noon ang nasabing Pari,
Gayong ang totoo’y salat sa salapi
At ni isang Mayor wala siyang kakampi;
O katiket man lang kaya’t papaanong
Malamangan niya ang dating Governor
At si Mam Pineda gayong sila itong
May kumpletong tiket at sadyang madatong!
At saka papanong itong dagdag-bawas
Na diumano’y naging dahilan at sukat
Ng pagkapanalo ni Among ang dapat
Isangkalan nitong partidong nalaglag?
Di ba’t sila’y pawang may mga ‘watcher’ d’yan,
Partikular na ang mga mapera po r’yan,
Kaya’t papaanong ni isang boto lang
Ay maidagdag sa ‘score’ ng kalaban?
Lalo na sa panig ni Eddie Panlilio
Na ni wala nga pong kapartido ito
Sa mga lokal na opisyales dito,
Maliban sa ilang kilusang sibiko.
Sa puntong naturan, di ko ninanais
Sabihing ang Korte’y walang ‘legal basis’
Upang ang ‘recount’ na hinihinging pilit
Ng petitioner ay di bigyang matuwid.
Pero ano’t kung kailan ilang buwan na lang
Bago sumapit ang pambansang halalan,
Saka pa naglabas ang Highest Tribunal
Ng pinal na hatol hinggil sa isyung yan?
Kaya’t natural lang sa panig ni Among
Ang pagdudahan niya ang biglang pagpabor
Ng Korte Suprema sa ‘pending petition’
Ng dating Board Member na Anak ng Lubao;
Na di lingid sa ‘tin ay magkababayan
Sila ng Pangulo at sanggang dikit yan,
Kaya malamang na naimpluwensyaan
Ang kung sinong naging kasangkapan po r’yan.
Na diumano’y tila ‘appointees’ po yata
Nitong ‘most powerful’ na lider ng bansa
Itong nasa likod ang hinihinala
Nilang sa ‘recount’ ay nagpahintulot bigla?
Na aywan kung anong tunay na motibo
Ng planong ‘pagsipa’ kay Eddie Panlilio,
Sa pagkakaupo niya sa Kapitolyo
Gayong patapos na ang tungkulin nito!
O itong sa korte’y nag-file ng “Petition
For Recount” sa naging resulta po noon
Ng 2007 (national) election.
Dito sa Pampanga, sa pagka-governor
Kung saan nanguna ang priest-turned-governor
Laban sa dalawang nakalaban nitong
Sina Mark Lapid at Mam Lilia ng Lubao.
Ng higit-kumulang sa dalawang libong
Boto lang kung kaya posibleng may habol
Ang ‘second runner up’ na dili’t iba itong
Si Pineda kaya posibleng may habol;
Sa alegasyon niyang kaya siya natalo
Ay bunsod ng dagdag-bawas diumano
Na kagagawan ng kampo ni Panlilio,
Bukod sa ‘vote buying’ at iba pang isyu.
Na idinadahilan kung bakit nagwagi
Sa halalan noon ang nasabing Pari,
Gayong ang totoo’y salat sa salapi
At ni isang Mayor wala siyang kakampi;
O katiket man lang kaya’t papaanong
Malamangan niya ang dating Governor
At si Mam Pineda gayong sila itong
May kumpletong tiket at sadyang madatong!
At saka papanong itong dagdag-bawas
Na diumano’y naging dahilan at sukat
Ng pagkapanalo ni Among ang dapat
Isangkalan nitong partidong nalaglag?
Di ba’t sila’y pawang may mga ‘watcher’ d’yan,
Partikular na ang mga mapera po r’yan,
Kaya’t papaanong ni isang boto lang
Ay maidagdag sa ‘score’ ng kalaban?
Lalo na sa panig ni Eddie Panlilio
Na ni wala nga pong kapartido ito
Sa mga lokal na opisyales dito,
Maliban sa ilang kilusang sibiko.
Sa puntong naturan, di ko ninanais
Sabihing ang Korte’y walang ‘legal basis’
Upang ang ‘recount’ na hinihinging pilit
Ng petitioner ay di bigyang matuwid.
Pero ano’t kung kailan ilang buwan na lang
Bago sumapit ang pambansang halalan,
Saka pa naglabas ang Highest Tribunal
Ng pinal na hatol hinggil sa isyung yan?
Kaya’t natural lang sa panig ni Among
Ang pagdudahan niya ang biglang pagpabor
Ng Korte Suprema sa ‘pending petition’
Ng dating Board Member na Anak ng Lubao;
Na di lingid sa ‘tin ay magkababayan
Sila ng Pangulo at sanggang dikit yan,
Kaya malamang na naimpluwensyaan
Ang kung sinong naging kasangkapan po r’yan.
Na diumano’y tila ‘appointees’ po yata
Nitong ‘most powerful’ na lider ng bansa
Itong nasa likod ang hinihinala
Nilang sa ‘recount’ ay nagpahintulot bigla?
Na aywan kung anong tunay na motibo
Ng planong ‘pagsipa’ kay Eddie Panlilio,
Sa pagkakaupo niya sa Kapitolyo
Gayong patapos na ang tungkulin nito!