Highest number of tweets ito sa episode ng kalyeserye. Tinalo nito ang Sept. 9 episode na may hashtag na #ALDUBBattle ForACause with 5.8M tweets at unang pagkikita ng magka-love- team.
Sa unang meeting may plywood na pumigil sa AlDub, sa second meeting, blindfold naman, pero mas kilig dahil nagkita sila nang malapitan at may-eye-to-eye contact. Nagkatabi rin sila nang nakatayo, nagbanggaan, nag-amuyan at may indirect kiss nang uminom sila ng coffee sa iisang straw dahil kay Duhriz (Wally Bayola).
Grabe ang kilig ni Alden, nawala ang mga mata at binuking pa siya ni Joey de Leon nang umamin sa kanya ng “Parang iba na ’yung nararamdaman ko.”
Si Maine naman, hindi natapos ang pagdadubsmash dahil din sa kilig at ngiti. After ng EB, nag-tweet si Maine ng “What just happened” na sinagot ni Alden sa Instagram (IG) nang pagpopost ng picture na blindfolded ang mga mata nila at may caption na “This…”
Matagal nakapag-move on ang AlDub fans sa tuwa at kilig at nasundan pa ang kilig sa tweet ni Maine sa isang close kay Alden ng “Nate, what happened to Alden? Is he ok? Heard the news at hindi ko alam kung ano nangyari? Concerned long distance pal here! Haha!” tungkol ito sa pagkakagulo ng fans sa Robinsons Imus.
Anyway, mukhang ilalabas na rin ang TVC ng Talk ‘N Text after ng McDo dahil nagpo-promote na sina Alden at Maine sa IG ng kanilang second endorsement.