“Real change has come”

    300
    0
    SHARE
    ‘ELECTION is over,’ at ang lahat na riyan
    ng mga ‘winners’ sa nagdaang halalan
    ay nakapanumpa na sa katungkulan
    bilang responsableng mga ‘public servants’

    Na maaasahan at handang maglingkod
    anila ng tapat sa bayan ng lubos,
    pero karamihan ay di pa man halos
    nangalahati o kaya naka-’one fourth’

    Ng ‘terms of office’ ng SB halimbawa,
    sila’y madalang nang sa opis makapa;
    Pati ang ‘session’ na dapat isagawa,
    (once a week) man lang ay kalimitan wala.

    Paano nga kasi, sanhi ng madalas
    na ‘absent’ ang ilan, at wala sa oras
    kung dumating itong iba yan ay tiyak
    sa ‘no quorum’ kaya ‘postponement’ ang bagsak!

    Pero sinasahod ang dapat tanggapin
    ng mga yan kahit di nila siputin
    ang nasabing bagay na sukat harapin
    bilang bahagi ng kanilang tungkulin.

    Marami ang ganyan sa panahong ito
    na masisipag lang kung araw ng sueldo,
    subalit sa dapat gampanan nang husto
    ay di maasahan ang mga damuho.

    Sana naman, ngayong tayo’y nagkaroon
    ng bagong lider na katulad ni Digong,
    ang anumang bagay na di ikasulong
    nitong ating bansa dapat nang maputol

    Partikular na r’yan itong talamak na
    nakawan sa ating gobyerno, at saka
    itong sa ngayon ay nagkalat na droga
    sa lahat ng dako ng Metro-Manila.

    At maging sa liblib nating kanayonan
    ay kalat na rin ang bagay na naturan;
    Kaya’t Palayo pa ba ng Malakanyang
    ang di marating kung hindi maagapan?

    Yan ay kung ating Pangulong Duterte
    ang di pinalad na maging Presidente;
    At ngayong siya na ang nakaupo bale,
    ano pa bang hindi natin ikampante?

    Lalo kung ganitong bago pa man nga siya
    umupo sa puesto ay nagsi-suko na
    ang ibang ‘pushers’ at saka durugista,
    na kusang sumuko sa ating pulisya.

    Dala ng pangambang sila ay posibleng
    mapatay, tulad ng napanood natin
    sa T.V. at mga nabalitaan din
    mula sa iba pang ‘source’ na dumarating.

    Yan sa ganang ating sariling pananaw,
    di malayong bago matapos ang araw
    o ‘three to six months’ na binigay ni Digong
    para sumuko yan, mapapadali ‘yon.

    Palibhasa ay di lingid sa kanila,
    na si Duterte ay seryosa talaga
    sa sinasabi at siya’y di kagaya
    ng sinumang naging pangulo bago siya.

    Pagkat kung ano ang kanyang sinasabi
    ay galing sa puso at isip niya pati;
    Di gaya ng iba (lalo itong huli)
    hanggang sa bumaba wala kong masabi.

    Maliban sa siya ay napakagaling,
    partikular na r’yan sa ‘public speaking,’
    Pero sa pag-ganap ng kanyang tungkulin,
    aywan lang kung anong nagawang magaling?!

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here