Home Opinion Re: SSS ng Malolos at ng San Fernando

Re: SSS ng Malolos at ng San Fernando

1553
0
SHARE

Kung paghahambingin
natin itong magkaparehong ahensya
sa pamantayan ng
serbisyo publiko, may pagkakaiba;
Ang mga kawani
o empleyado riyan sa SSS Pampanga,
May mangilan-ilan
na matataray at may pagkasuplada.

Marami sa ating
mga kababayan ang nagrereklamo
sa sangay r’yan nitong
SSS sa Maimpis, Siyudad San Fernando;
Lalo na kay Tapia,
na nasa ‘Window 1’ay walang respeto,
kahit na matanda,
o ‘senior citizen’ ang kausap nito.

At mayron pang isa,
inuuna pa ang pag- ‘retouch’ ng ‘make up’
habang naghihintay
ang nakapila na siya’y makausap;
Ito’y sa ‘Window 2,’
ang huling pantig ng ‘family name’ ay “nag”,
na ubod ng sungit,
katulad ni Tapia sa nakakaharap.

At maging ako nga,
ay naging biktima rin ng pagsusungit
nitong ating ‘subject’,
nang mag-‘file’ ako ng ‘retirement benefits’;
Hindi lamang tatlong
beses na ako ay nagpabalik-balik,
ganoon di naman,
ang naranasan ng isa kong kapatid.

Pero sa Malolos:
Sa ‘E – Center’ palang
ang dokumento ko agarang in-‘upload’
nang araw ding iyon,
ng walang maraming mga ‘requisitos;
Ang aplikasyon ko,
gaya ng marapat asahan natapos.
At si binibining
Camua ang sa aki’y tumulong ng lubos.

Diyan sa Malolos,
mga empleyado’y magiliw, magalang
magmula sa guwardiya,
na sa mga tao ay uma-alalay;
Makakadama ka,
ng pagka-aliw at kasiyhang tunay
dahil ang serbisyo,
ng mga kawani’y di matatawaran.

Pinupuri ko ang
mga kawani ng SSS Malolos
dahil sa kanilang
serbisyo na maka-masa at maka-Diyos;
Hindi katulad ng
nasa sa San Fernando, mayrong ilang bulok
ang pag-uugali,
kaya sa gobyerno di dapat maglingkod.

KUDOS sa SSS,
Malolos, Bulacan, sila ang‘Number One’
sa pagsisilbi ng
matapat sa ating mga kababayan;
Ang mga ‘front liner’,
saka ‘department head’ ng naturang sangay
sila ang tunay na
‘public servants’ nitong ating Inangbayan!

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here