Re: Poe”s disqualification case

    393
    0
    SHARE
    Nuebe (9) de Pebrero ay nagumpisa na
    ang ‘tinakdang araw ng pangangampanya
    para sa ‘highest post, vice president,’ saka
    mga senador at ‘party lists’ anila?

    Kung saan ang iba’y halos nalibot na
    ang lahat ng bayan, lungsod at probinsya;
    At malaki-laki na rin ang nagasta
    sa araw-araw na kaiikot nila.

    Partikular na r’yan sa pampanguluhan,
    na di lang marahil ‘in hundreds of thousands’
    na ang sinunog sa pangangampanya n’yan
    sa lahat ng dako nitong kapuluan.

    Isa riyan si Grace Poe, na bagama’t di pa
    napagpasiyaan ng Comelec at saka
    ng ‘highest tribunal’ kung ‘qualified’ siya
    para humabol ay nagkakagasta na.

    Gaya halimbawa nitong di lang minsan
    ay nakarating na si Grace Poe, kabayan
    dito sa Pampanga kasama ang kanyang
    ka-‘tandem’ na si Chiz, gumastos syempre yan.

    Ng di lang ‘hundreds of pesos’ sa pagkain,
    kundi ng kung ilang libo rin marahil;
    Maliban sa iba pang naging gastusin
    sa ginanap na ‘prescon’ dito sa atin.

    Gayong sa totoo lang ay di pa tiyak
    kung ang pagtakbo sa pinaka-mataas
    na posisyon ay di humantong at sukat
    sa mapait na kabiguan sa wakas?

    Papano kung kailan halos hanggang leeg
    na ang nagasta ng napurnadang si Grace
    sa inaasahan sa presidential race,’
    saka biglang ihahayag ng Comelec,

    Na ‘disqualified’ nga ang ‘Anak ni Da King,
    base sa kung anong isyung nakabimbin;
    Sa ganang akin ay ang Comelec natin,
    sa puntong naturan, ang dapat sisihin!

    Papano nga kasi ubod nga ng kupad
    ang nariyan sa pagresolba kaagad
    sa kahit na simpleng isyung di marapat
    tumagal sa opis ng mahabang oras.

    Kung di ‘natural born’ Filipino si Poe,
    ayon sa kung sino riyang mga kritiko,
    Eh bakit nang siya ay kumandidato
    sa pagka-Senador di hinarang ito?

    (At saka di ba’t siya’y inalok din naman
    ng ‘ruling party’ at iba pang kampo riyan
    para maging Bise ni Roxas o Binay
    sa pagtakbo para sa ‘presidential?’)

    Pero nitong huli animo’y kumambyo
    ng pakaliwa ang nag-alok kay Grace Poe,
    na maging ‘running mate’ siya ng mga ito,
    at inilalaglag na siya ng husto?

    Lalo na riyan nitong aywan lang din natin
    kung sila’y bayaran o ika nga’y “for hire,”
    Kaya anhin na lang tuluyang mapigil
    si Grace sa paghabol ng ibang tungkulin.

    At ngayong si Grace ay ninanais nitong
    marating ang dating pinangarap noon
    ng kanyang ama ay haharangin ngayon
    ng kampo marahil ng administrasyon?

    Buhay-pulitiko nga naman kung minsan,
    sa lahat na’y sadyang walang katiyakan;
    Tulad na lang nitong kay Poe, saan na yan
    posibleng humantong sa sistemang ganyan?!

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here