KUNG DI na ‘qualified’ tumakbo si Boking
bilang city Mayor noong 2016
ano’t ni isa’y di nagtangkang harangin
ang pag-‘file’ nito ng COC ‘at that time?’
Bagkus hinayaan siyang makatakbo,
na kung saan sina Garbo, Lucas, Castro
ang nakatunggali at lumamang ito
nang mahigit 20 mil laban kay Cris Garbo.
Na pumangalawa kay Mayor Morales
sa nagdaang 2016 ‘mayoral race;’
Ya’y pagpapatunay na siya ang higit
ginusto ng nakararaming ‘constituents’.
At higi sa lahat ang ‘qualification’
ni Morales sa pagtakbo bilang Mayor
ay di kwestyonable dahil ang komisyon
mismo di hinarang ang kanyang paghabol.
Pagkat kung tunay ngang di siya ‘qualifi ed,’
e ba’t pinayagan pa nga ng Comelec
ang pagparehistro nitong ating ‘subject,’
ng kanyang COC ‘at that very moment?’
Or if somebody had filed then a Petition
to disqualify him to seek reelection
that will be the only time for the Commission
on Election to tackle a pending Motion?
Pero nang dahil sa walang nagpetisyon
para pigilin si Boking sa paghabol,
‘since it’s ministerial’ lang sa panig nitong
ating Comelec ay ‘it will of course go on?’
At hindi rin naman puedeng di tanggapin
nitong Comelec ang COC ng ating
PHL’s longest serving Mayor’ dahil na rin
sa ‘ministerial’ nga ang alituntunin.
Sa ganang akin ay kapag kinuwestyon mo
ang iyong kalaban sa anumang isyu,
‘not necessarily’ di kuwalipikado,
kundi dahil kinatatakutan ito.
And it would only show’ na siya’y malakas
at tunay naman ding ang pagiging sikat
ni Boking ang pina-katatagong alas
kaya laging panalo sa Mabalacat!
He became the longest PHL’s serving Mayor
not only because of he had made it alone
but of the making of his political foe
that always stages protest against him, too.
‘Remember in his first term’ nanalo siya
nang maayos pero ang karibal niya
ay umangal, kaya sanhi ng protesta
na isinampa n’yan talo itong bida.
‘But later on’ siya itong bumandera
kumbaga sa ‘horse race’ ika nga ng iba;
‘By technicalities’ ay nasalag niya
ang lahat ng ibinabato sa kanya.
‘In other words’ yan ang naging ‘stepping stone’
ni Boking Morales kaya nagkaroon
ng ‘issue’ kung puede pa siyang humabol
‘for and in his third term as a City Mayor’.
Dahilan na rin sa walang nasasaad
umano sa ating panuntunang batas;
Si Boking pa rin ang may hawak ng alas,
‘Since the Voice of the people is the Voice of God?!’