Re kin seeking rescue of abused OFW

    486
    0
    SHARE
    MATAGAL nang isyu at halos hind na
    mabilang sa bansa ng Saudi Arabia
    ang kaawa-awang mga Filipina,
    na minamaltrato ng employers nila;

    Sinasaktan at ang higit na masaklap
    ay ginagahasa ng boss nilang ungas
    ang iba kung kaya gumagawa agad
    ng paraan para sila makatakas;

    At maidulog sa kinauukulan
    itong sa kanila ay paglapastangan,
    pero sila pa riyan itong kadalasan
    binabaligtad ng employer na unghang.

    At ang atin namang opisyal na dapat
    umaksyon upang mapa-uwi kaagad
    ang mga biktimang sa Saudi minalas
    mapunta sa walang konsensya at ungas

    Ay hindi rin naman natin maasahan
    ang gobyerno upang yan ay solusyonan;
    Gaya ng sinapit ng isang kabayan
    nating si Panlaqui na taga Sasmuan.

    Na bitima rin ng maltreatment sa Saudi
    ng asal-hayop at napakasalbahe
    nitong naging boss at ang nag-recruit pati,
    Arabo din kaya hindi imposible

    Na niloko n’yan ang biktima sa puntong
    ang work contract niya ay para sa “Salon
    for Women” subalit DH pala roon
    ang kinasadlakan at hindi pang-parlor!

    Sa puntong yan itong ahensyang naturan
    na nagpaalis kay Panlaqui ang siyang
    marapat habulin ng pamahalaan
    Upang mapanagot sa pangyayaring yan

    At masampahan ng kaso pati na rin
    ang employer upang papanagutin din
    sa pang-aabuso sa Kabalen natin,
    maliban sa sila ay papagbayarin

    Ng danyos perwisyo at iba pang dapat
    na isingil base sa Saligang Batas
    ng Saudi Arabia at ng Filipinas;
    At ikulong pati sila ng patuwad!

    Okey lang sana kung hindi inabuso
    si Josielyn Panlaqui ng naging amo;
    At ibinigay ang karampatang suweldo
    na dapat matanggap sa naging trabaho.

    At sana ngayong ang pangyayaring iyan
    ay nakarating na rin sa Malakanyang,
    Magsikilos na ang kinauukulang
    ahensyang marapat umasikaso riyan.

    Lalo’t tulad nitong ang kaawa-awa
    nating kabayan ay wala nang magawa
    sa kalagayan niya kundi ang lumuha,
    yan ay patuloy pang winawalanghiya!

    Kaya bago pa ang biktima’y madedbol
    sa kuko ng Saudi national na gunggong,
    gawin na sa lalong madaling panahon
    ng OWWA ang lahat ng mabisang aksyon

    Upang ang lahat na rin ng ibang bagay
    na nauukol kay Panlaqui, ibigay
    ng employer bago sa Saudi lumisan
    itong biktima ng kanyang kahayupan!

    (At sana rin naman si Pangulong PNoy,
    kahit kaunting concern lang ay magkaroon
    sa mga ganitong klase ng situasyon
    upang ang kabayan natin di mababoy!!!

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here