Home Opinion ‘Re: Cash advance and others’ of Barangy officials’

‘Re: Cash advance and others’ of Barangy officials’

874
0
SHARE

Kauupo pa lang nitong bagong halal
na Kagawad at mas malaki ang bilang
ng nanalo muli – ‘cash advance’ agad diyan
ang isinusulong, ito ba’y okey lang?

Di pa man gusto na nilang makasingil
sa hindi pa nga n’yan marapat unahim
kaysa sa kung anong takda riyang tungkulin
ang kinakailangan mabigyang pansin.

Nakasanayan at gawa na nga kasi
ng nakararami sa madaling sabi
ang ganyan na kwenta namana lang pati
ng ibang barangay ang ganyang diskarte.

Partikular nga riyan sa Congress at Senate,
ang ganyang diskarte at uri ng ‘technique’
na di lalayo sa ‘pork barrel’ at kupit –
‘To compare cash advance’ – sinulid at lubid.

Aywan kung itong pag-kuha ng ‘cash advance’
sa ‘local government’ ay may paintulut yan;
at kung sakaling yan ay makamatayan
ng umutang sino ang sisingilin diyan?

Kay Juan dela Cruz na siyang palaging
sa lahat ng bagay at nakaririnding
problema, gaya riyan ng mga bayaring
di malaman minsan kung dapat isingil.

Kaya nga’t nang dahil sa nakakakuha
sila riyan nga nitong tawag ay “patinga,”
maasahan pa ba na dadalo sila
sa ‘scheduled session’ kung sila’y bayad na.

Hindi na, gaya riyan nang nakasanayan
ng nakararaming baragay official,
na kinakailangang ‘present’ sa sesyon yan,
kanselado kapag ya’y kulang sa bilang.

Sa puntong nasabi, ano ang maaring
maasahan sa ‘set of officials’ nating,
hindi alintana n’yan ang tungkuling
marapat harapin at asikasuhin?

Ang sisipag sa pagtakbo ang marami
pero pag nanalo sila’y “sitting pretty”
na lang riyan itong walang inintindi
kundi magpasarap para sa sarili.

At nang dahil na rin sa kung sino itong
ang kapamilya ng iba ay madatong,
malaki ang bilang, may tsansa ba itong
gaya nating walang pera na panghabol?

Paramihan nga ng pamilya talaga
ang sukatan liban sa sikat ang iba,
madatong at saka kilala ng masa,
talo tiyak ang hungkag ang kanilang bulsa.

Kaya hangga’t itong batas sa eleksyon
ay mananatiling katulad sa ngayon,
lahat na nang uri riyan korapsyon
walang ipagbago kahit libong taon.

Kaya ang marapat isulong baguhin
ang lahat ng bagay na di mabubuting
bagay na di ankop sa ‘Pilipino style’
na pinapatupad ng gobyerno natin!~

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here