Rayver pinupuntirya si Jennica

    484
    0
    SHARE
    Mukhang nasungkit na ni Jennica Garcia ang paningin ni Rayver Cruz dahil obvious daw ang pagiging sweet ng dalawa sa set ng Lamang Lupa, isa sa tatlong episodes ng Shake, Rattle & Roll 11.

    Chika pa ng direktor ng dalawa na si Jessel Monteverde, obvious na obvious ang chemistry ng dalawa kaya hindi ito magugulat kung matutuloy ito sa pagkakamabutihan.

    “They have a very good working relationship,” sabi pa ni Jessel.

    “I think they have developed a good bond while shooting this movie.”

    Bukod kina Rayver at Jennica, kasama rin sa episode sina Iya Villania, Mart Escudero, Bangs Garcia at ang kambal na sina Dominic at Felix Roco.Umiikot ang istorya ng Lamang Lupa sa isang barkada na nag-camping hanggang habulin sila ng mga lamang-lupa.

    Ang ibang episodes ng SR&R 11 ay ang Diablo kasama sina Maja Salvador at Mark Anthony Fernandez at Ukay-Ukay, reunion movie nina Zoren Legaspi at Ruffa Gutierrez.

    Magsisimula nang manakot ang Shake, Rattle & Roll 11 sa December 25 sa lahat ng sinehan sa buong bansa.  


    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here