PLARIDEL, Bulacan—Hindi pa rin kumbinsido ang pamahalaang lokal sa Bulacan matapos makipagdayalogo at inspeksyunin ang paliparan ng eroplano sa Barangay Agnaya sa bayang ito kaugnay ng imbestigasyon dahil sa patuloy na pagtaas ng bilang ng mga insidente ng pagbagsak ng mga eroplano sa loob ng nakaraang tatlong taon.
Nagsagawa ng ocular inspection at dayalogo sina Vice Governor Willy Alvarado, Board Members Christian Natividad, Monet Posadas, at Asac Viudes sa pagitan ng pamunuan ng Plaridel Airport at mga flying school instructors, kamakailan.
Ayon kay Natividad, 1st District Board Member, nangangamba na ang mga residente sa ibat-ibang bayan sa Bulacan sa posibilidad na mabagsakan ang kanilang kabahayan ng mga eroplanong bumabagsak na nagmumula sa Plaridel Airport.
Paliwanag naman ng ilan sa flying schools na dumalo sa dayalogo, ligtas ang kanilang pagpapalipad ng eroplano.
Anila, dumadaan sa mga inspection routine ang kanilang mga eroplano at ang mga piloto ay physically at mentally fit para sa pagpapalipad.
Ipinaliwanag din ng pamunuan ng naturang paliparan na matapos ang insidente ng banggaan ng dalawang eroplano noong Hulyo 2007 sa bahagi ng Barangay Ligas sa Malolos ay binawasan na nila ang bilang ng mga eroplano sa air traffic.
Anila, mula sa bilang na siyam bago ang malagim na insidente ay ibinaba na lamang nila sa apat ang bilang ng mga training aircraft na gumagamit ng air traffic.
Aminado rin ang Plaridel Airport at mga flying schools na ang mga pagkakataon tulad ng human error, equipment failure at weather condition ay mga pangunahing dahilan na hindi maiiwasan upang bumagsak ang isang eroplano.
Ngunit anila, sa mga pagkakataong nakararanas ng ganitong sitwasyon sa himpapawid ay nai-gigiya naman ang mga training aircraft upang makapagsagawa ng emergency landing sa ligtas na lugar.
Ngunit sa kabila nito, ay hindi pa rin kumbinsido ang mga lokal na opisyal saBulacan sa paliwanag ng mga opisyal ng paliparan at magpapatuloy pa rin sila sa kanilang imbestigasyon.
Ayon kay Natividad, isa sa kanilang tututukan ay ang umaabot lamang sa anim na buwan na flight schooling ng mga estudyante sa Plaridel kumpara sa apat na taong flight schooling sa ibang bansa.
Binigyang diin pa ni Natividad na kahit glider type pa ang mga ginagamit na eroplano sa Plaridel ay hindi na nito maigigiya pa ang mga eroplano sa ligtas na lugar kung ito ay nagbanggaan na sa himpapawid.
Para sa mga lokal na opisyal sa Bulacan, ang insidente ng banggaan sa himpapawid noong 2007 ang isa sa pinaka-kontrobersyal na crash incident na naitala sa Plaridel na kinakailangang malinawan.
Sa insidenteng ito ay naiulat na namatay ang isang flight instructor at dalawang estudyanteng Indian nationals.
At ayon sa ulat, mula Hunyo 4, 2006 hanggang Mayo 30 ng taong kasalukuyan ay 17 aksidente na kinasangkutan ng mga eroplanong Cessna 150, 152 at 172 ang naitala.
Ang mga flying schools na may naitalang insidente ay ang DeltaAir International Aviation School, Fliteline Aviation School, WCC-Master Flying School, Philippine Pilots Academy, Eagle Air Academy, AviationLink Asia Training Center, at Yokota Aviation Flying School.
Lumabas din sa dayalogo na may naitatatalang “average of four air accidents” sa naturang paliparan kada taon sa loob ng 20 taong operasyon nito.
At ito rin ang kauna-unahang pagkakataon na nagsagawa ng imbestigasyon ang lokal na pamahalaan sa Bulacan para sa naturang paliparan.