MALOLOS CITY – Isa pang kakaibang uri ng ibon na sa Pilipinas lamang matatagapuan ang buhay na nakunan ng larawan sa unang pagkakataon, ayon sa Wild Bird Club of the Philippines (WBCP).
Ito ay matapos madiksubre ang dalawang rare specie ng water bird sa Candaba Swamp noong Enero kaugnay ng isinagawang census on Asian waterbirds.
Ayon kay Michael Lu, pangulo ng WBCP, ang Worcester’s Buttonquail (Turnix worcesteri) ay nakunan ng larawan at video ng documentary team ng GMA Network sa Dalton Pass noong Enero.
Ang pangalan ng nasabing ibon na sa Pilipinas lamang matatagpuan ay isinunod sa pangalan ni Dean Conant Worcester, isang American zoologist na naglingkod sa Pilipinas noong unang bahagi ng 1900.
“This is a very important finding,” sabi ni Arne Jensen, isang Danish ornithologist at biodiversity expert na matagal ng naninirahan sa bansa at nagsisilbing hepe ng Records Committee ng WBCP.
Ayon kay Lu, ang Worcester’s Buttonquail ay matatagpuan lamang sa Luzon at itinuturing na malapit ng maubos ang uri nito.
Sinabi rin ni Lu na hindi pa rin nila alam kung saan namumugad at nangingitlog ang mga buttonquail, ngunit hinihinala nilang matatagpuan iyon sa mga damuhan ng kabundukan ng Cordillera.
Ayon kay Lu, ang Worcester Buttonquail ay unang inilarawan batay sa mga specimen na nabili sa Quinta Market at Maynila noong 1902.
Ang larawan ng nasabing ibon ay nakunan ng grupo ni Howie Severino na bumubuo sa I-Witness na ipinalalabas ng GMA Network noong Enero ng magsagawa sila ng isang dokumentaryo hinggil sa mga ibon na na pinamagatang “Bye-bye birdie.”
Ayon kay Lu, hindi alam ng grupo ni Severino na nakadiskubre sila ng kakaibang uri ng ibon.
Natukalasan lamang nila ito ng mapanood ni Desmond Allen, isang British ornithologist na kasapi ng WBCP, ang nasabing ibon sa programang I-Witness sa telebisyon.
Kaugnay nito, dalawang kakaibang uri ng dayong ibon ang nakita ng mga kasapi ng WBCP sa Candaba Swamp noong Enero ng magsagawa sila ng census para samga Asian waterbirds.
Ayon kay Carmela Espanola, isang biologist sa University of the Philippines na kasapi rin ng WBCP, ang dalawang kakaibang uri ng ibong nakita sa Candaba Swamp ay ang pied avocet at ang black faced spoon bill.