Home Headlines Rapid testing: Pulisya ng Zaragoza negative sa Covid

Rapid testing: Pulisya ng Zaragoza negative sa Covid

841
0
SHARE

Kinukunan ng blood sample si Major Jaime Ferrer para sa rapid test. Kuha ni Armand M. Galang



ZARAGOZA, Nueva Ecija – Sumailalim sa rapid test a
ng buong puwersa ng pulisya sa bayang ito bilang hakbang kontra sa coronavirus disease, ayon sa kanilang hepe.

Sinabi ni Major Jaime Ferrer, hepe ng Zaragoza police, na 49 silang pulis at tatlong non-uniformed personnel ang nakiisa sa rapid testing program na pinangunahan nina Mayor Efren Nieves at municipal health officer Dr. Cheryl Calderon nitong May 14.

“Lubusan tayong nakikiisa sa pakikibaka ng ating pamahalaang nasyunal at pamahalaang lokal sa Covid-19,” ani Ferrer.

Naniniwala ang opisyal na bilang mga frontliner laban sa pandemic ay mahalagang masiguro ang kaligtasan ng mga pulis. Para narin ito, aniya, sa kaligtasan ng publiko na kanilang pinaglilingkuran.

Nagpahayag naman ng kasiyahan si Ferrer na pawang negatibo ang resulta ng kanilang pagsusuri: “Negative kami lahat.”

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here