MALOLOS – Ang rainwater harvesting o pagsasahod sa tubig ulan ang isa sa mga praktikal na solusyon upang makaiwas ang bansa sa napipintong krisis sa tubig, ayon sa isang premyadong imbentor.
Binigyang diin pa ng imbentor na ang tubig ulan ay isang kaloob ng Diyos sa tao, ngunit ang malaking bahagi nito ay nasasayang lamang at hindi napapakinabangan.
“It’s only a matter of time before the country plunge into worst water crisis,” ani Dr. Antonio Mateo sa mga dumalo sa isinagawang Green Retail Agenda Conference sa SM Supermall sa bayang ito noong Martes, Abril 13.
Si Mateo ay isang premyadong imbentor at dating dekano ng College of Engineering ng Adamson University.
Ipinayo niya sa mga dumalo sa kumperensiya na dapat matutunan ng mga Pilipino ang paggamit ng tubig ulan, sa pamamagitan ng pagsasahod ng tubig ulan.
Ipinaliwanag niya na ang tubig ulan ay libre at kaloob ng Diyos sa tao, ngunit nasasayang lamang ang karamihan nito at hindi napapakinabangan.
Inihalimbawa ni Mateo ang paggamit niya ng kanyang innovative rainwater harvesting system (IRHS) na kanyang nagamit sa panahon ng pananalasa ng bagyong Ondoy noong nakaraang Setyembre.
Ikinuwento niya na sa dami ng tubig na kanyang naipon ay nalinis niya ang kanyang buong bahay, maging ang kanyang laboratoryo at nakapamahagi pa siya ng tubig na inumin na sinahond sa ulan para sa mga residente ng Cainta kung saan ay nakatira ang kanyang kapatid.
Ayon kay Mateo, malaking tulong ang paglalagay ng rainwater harvesting system (RHS) sa mga tahanan at maging sa mga tanggapan.
Ito ay dahil sa malaki ang matitipid sa gastos sa tubig at makakatulong pa kung sakaling may sunog, at makakapigil din sa mga pagbaha.
Inihalimbawa niya ang RHS na kanilang inilagay sa Sta. Monica High School sa bayan ng Hagonoy na laging lumulubog sa high tide.
Ang nasabing RHS ay inilagay sa Sta. Monica High School sa pakikipagtulungan ng lokal na Rotary Club; at ni Science and Technology Undersecretary Fortunato Dela Pena, kasama ang Technology Application and Promotion Institute ng Department of Science and Technology.
Ayon kay Mateo ang ikinabit nilang RHS sa nasabing paaralan ay naghatid ng kalinisan sa mga palikuran ng paaralan dahil pinadadaloy doon ang naipong tubig mula sa ulan.
Binigyang diin ni Mateo na simple lamang ang paglalagay ng RHS sa mga tahahan o tanggapan.
Ang kailangan lamang ay masahod ng alulod ang ulan sa bubong ng bahay o gusali at ipunin iyon sa mga drum o tangke ng tubig.
Ang mga drum o tangke ng tubig naman ay maaring lagyan ng tubong mag-uugnay sa mga ito upang doon dumaloy ang tubig na masasahod mula sa ulan.
Ang mga nasabing tangke ng tubig na inipon ay maari namang ikunekta sa plumbing system ng palikuran o kusina ng bahay upang magamit ang tubig na naipon.
Upang maiwasan naman ang kontaminasyon, sinabi ni Mateo na kailangan lamang ng ceramic filters sa mga tangke ng tubig.
Ngunit kung gagamitin lamang na pandilig o panghugas ng palikuran at sasakyan ang nasahod na tubig ulan, hindi na kailangan dito ang ceramic filter.
Ayon kay Mateo, bago pa manalasa ang bagyong Ondoy ay inalok na niya sa mga pamahalaang lokal at maging sa ibang ahensiya ng ggobyerno ang kanyang imbensyon, ngunit hindi ito pinansin.
Ngunit matapos ang bagyong Ondoy, marami ang nagpahayag ng interes sa imbensyon ni Mateo.
Bukod sa IRHS, sinabi ni Mateo na may mga imbensyon pa siya na pakikinabangan ng mga Pilipino sa panahon ng kagipitan.
Kabilang dito ang kanyang filter system na kahit tubig baha ay kayang salain upang luminis at mainom.