Rafael Rossel pinagnasaan ni Mariel Rodriguez?

    689
    0
    SHARE
    Guwapo si Rafael Rossel, matipuno ang pangangatawan dahil sa malilintog na masel sa pangangatawan nito. Ito kaya ang dahilan kung bakit may malisya ang ilan at nagsasabing pinagnanasaan ni Mariel si Rafael habang nagti-taping sila ng kanilang bagong project sa ABS-CBN?

    Naging tampulan kasi ng tukso si Mariel Rodriguez sa presscon ng pang-hapong serye ng ABS-CBN, ang Precious Hearts Romances Presents Bud Brothers, dahil sa pagiging agresibo sa isang eksena nila ni Rafael Rosell.

    Shocked ang press dahil habang supposedly ay tulog ang dalawa, nakadantay ang kamay nito sa harapan ng kapareha. Sa istorya kasi ng episode nilang My Golly, Wow Betsy, pinakiusapan ni Rafael si Mariel na magpanggap bilang misis niya.

    “If you watch the episode, you’ll see na there’s a funny reason kung bakit nakalagay du’n ang kamay ko. Cute siya, hindi malaswa,” esplika ni Mariel sa nagmamalisyang showbiz writers.

    Pambubuko naman ni Direk Cathy, habang nagte-taping sila’t dahil sa sobrang “init” ng mga eksena, nag-dialogue si Mariel ng, “Direk, parang mini-porn na ’tong ginagawa namin, ’no?” sabay tawa.Actually, first time palang magkatrabaho nina Mariel at Rafael.

    “Masaya naman ang bonggang-bonggang two-day taping namin!” hirit pa ng dyowa ni Zanjoe Marudo.“It’s important that you trust your director. Ours was more of fun, masaya talaga siya.“When I accepted the project, alam ko namang may kissing scenes, so, walang problema,” dagdag paliwanag ng TV host.Eh, kay Zanjoe, wala kayang maging problema ang pagiging daring niya sa Precious Hearts Romances Presents Bud Brothers, na magsisimula nang mapanood sa Kapamilya Network sa  Mayo?Ani Mariel, “Siya rin naman, nakipag-kiss sa Dyosa, so, ngayon, pantay na kami. Wala siya rito at wala siya sa taping!”   



    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here