SAN FELIPE, Zambales — Isang radiologic technologist na kabilang sa authorized person outside residence at dalawang kasamahan nito ang dinakip ng mga tauhan ng municipal inter agency task force matapos itong hindi huminto sa quarantine control checkpoint.
Sa ulat ni San Felipe police chief Capt. Ramil Menorkay Zambales police provincial director Col. Ponce Rogelio Peñones, Jr., ang mga suspek ay nakilalang sina Xerxes Manguera y Conception, 30, radiologic technologist, at Allan Fiñones y Cabanilla, 44, parehong residente ng Barangay Manglicmot, San Felipe; at Alejandro Calaug y Gaspar, 65, ng Barangay San Isidro, Subic.
Ayon sa ulat sa halip na huminto sa checkpoint ang mgs suspek na sakay ng van na may plakang RGF-726 ay humarurot ito hanggang sa magkaroon ng habulan at masukol ang mga ito.
Nang hanapan ng mga pulis ng driver’s license at quarantine/travel pass ang nagmamanehong si Fiñones ay nakita sa kanyang pouch ang isang plastic sachet na hinihinalang shabu, na mariin naman nitong sinabing “tawas” lang ang laman ng sachet.
Ang mga suspek ay nasa pangangalaga ngayon ng San Felipe Municipal Police Station at ipinagharap na sa kasong paglabag sa Secrion 11, Article ll ng RA 9165; Article 151 ng Revised Penal Code at RA 11332.