Home Uncategorized RACE operation ng SSS Malolos target makolekta ng P2.09-M

RACE operation ng SSS Malolos target makolekta ng P2.09-M

552
0
SHARE

LUNGSOD NG MALOLOS, (PIA) — Target ng Social Security System (SSS) Malolos branch na makakolekta ng P2.09 milyon sa isinagawang Run After Contribution Evaders (RACE) operation.

Sa ginawang pagbisita sa walong kumpanya sa Calumpit, pinaalalahahan at hinainan ng written order ng SSS ang mga employer para sa kanilang mga obligasyon na mag settle ng kanilang mga delinquencies sa ahensya.

Ayon kay SSS Luzon Central 2 Division Vice President Gloria Corazon Andrada, may 15 araw ang mga employer para makipag-ugnayan sa kani-kanilang account officer para makasunod sa itinakda probisyon ng Social Security Law.

Ang pagdaraos ng Run After Contribution Evaders operation ng Social Security System Malolos branch. Target ng sangay na makakolekta mula sa mga employer ng P2.09 milyon na hindi naihuhulog na kontribusyon para sa kanilang mga empleyado. (Michael Liboon, PIA intern)

Dagdag pa ni Andrada, ang kanilang ginagawang pagbisita sa mga establisyimento ay pagpapaalala sa mga employer ng kanilang obligasyon at paghihikayat na sumunod upang maiwasan na humantong sa pagpa-file ng kaso at pagkaka-aresto.

Nasa 47 na empleyado aniya ang maseseguro ang benepisyo sa tamang pagbabayad ng kontribusyon ng mga employer.

Samantala, iniulat din ni SSS Malolos Branch Head Francisco Lescano na nasa P7.68 milyon ang nakolekta mula sa 21 employer na sumailalim sa nagdaang RACE operation.

Mayroon namang nakolektang P371.33 milyon ang naturang sangay noong Enero-Abril 2023, na mas mataas ng 15 porsyento kumpara sa P322.02 milyong koleksyon noong nagdaang taon. (CLJD/VFC-PIA 3 kasama si Michael Liboon, intern)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here