QC Pink Fest ng LGBT

    253
    0
    SHARE

    Malaki at magarbo ang paghahanda ng Quezon City government sa gagawing QC International Pink Festival dahil bago ang December 12-19 festival date, maraming event muna ang magaganap sa biggest LGBT filmfest.

    May seminar on gender awareness sa Dec. 9, sa Dec. 13, gaganapin ang Pride March from Tomas Morato to QC Memorial Circle at nangako ang organizer ng isang masaya na parade at magiging rainbow ang kalye ng QC.

    Ang QC Pink Festival at Pride March ay project ng QC Pride Council chaired by Soxy Topacio. In-announce ni Nick de Ocampo, festival head, na 45 films tungkol sa lesbians, gays, bisexuals at transgenders from 15 countries ang mapapanood sa Trinoma cinemas.

    Malaki ang tiwala nito na magiging hit ang Pink Festival kahit malaking Hollywood movie ang makakasabay.

    Ang docu ni Direk Nick na #pinQCity ang magbubukas sa festival. Ayon naman kay QC Vice Mayor Joy Belmonte, hindi lang part ng 75th celebration ng QC ang pink festival, kasama ring isinusulong dito na maging Entertainment Capital ang lungsod.

    Ipinaalam din nito na isinusulong din ang QC Gender Fair Ordinance para sa pantay-pantay na serbisyo at benepisyo sa LGBT.

    Hinihintay na lang ang signature ni QC Mayor Herbert Bautista sa landmark measure na ito

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here