Pyestang Tugak 2011

    529
    0
    SHARE

    Sa Lunes, Oktubre 10 ng taong ito,
    Pangungunahan ni Mayor Oca mismo
    Sa popular na lungsod ng San Fernando
    Ang ‘Pyestang Tugak’ na ilulunsad dito.

    Na kung saan ‘after the flag ceremony,’
    May ‘press conference’ na gaganapin pati
    Sa dating ‘session hall,’ malapit sa tabi
    Ng opis mismo ng butihing Alkalde;

    At ihahayag sa prescon na nasabi
    Sa Media ang lahat na ng ‘activity’
    Na isasagawa ‘within the said city,’
    Mula adyes hanggang kinse ng Oktubre.

    Matatandaan na itong Pyestang Tugak
    Ay pinasimulan sa naturang siyudad
    Noong 2004 nitong ating ‘World Class’
    Na Alkaldeng sa kultura ay malingap

    At may malasakit sa ‘ting kalikasan,
    Kaya ang lahat ng mahalagang bagay
    Na kaya pa nating mapangalagaan
    At mapanatiling sagana at buhay

    Ay sinisikap niyang lubos na masagip
    At di na lang maging isang panaginip,
    Gaya halimbawa ng palakang bukid
    Na dati’y sagana sa ating paligid.

    Kaya kaugnay n’yan, para mapreserba
    Ang palaka partikular sa Pampanga,
    Sa taong ito ay sadyang inalis na
    Sa paligsahan ang ‘culinary’ baga?

    Na kung saan magpapakita ng galing
    Sa pagluluto ng ‘Tugak’ itong ating
    Eksperto kumbaga sa mga lutuin,
    Gaya ng adobong tugak dito sa ‘tin.

    Pagkat ninanais nga ni Mayor Oca,
    Na mapanatiling ‘buhay’ ang palaka
    Sa kapaligiran hanggang managana
    Silang muli sa ‘ting bukirin at sapa.

    Kaya’t may ‘contest’ man ng ‘pagduasan’ ngayon,
    Yan ay bahagi lang nitong selebrasyon,
    At ang ‘mapapaduas’ niyan sa kompitisyon
    Ay ibabalik din sa opis ni Mayor

    O sa kung sinumang taong maatasan
    Ng siyudad upang ang ‘contest’ na naturan
    Ay pangasiwaan nito kung saan man
    Gaganapin itong ‘contest’ sa “paduasan”.

    Na inaasahang magiging masaya
    At puno ng buhay sa lahat-lahat na,
    Bilang pagsariwa at pag-ala-ala
    Sa ‘ting nakagisnang mayamang kultura.

    At bilang bahagi rin ng selebrasyon,
    Kabilang ang ‘Lundag Tugak’ sa poblasyon;
    Liban pa dito sa ‘chorale competition’
    Na magaganap sa Waltermart sa ngayon.

    “Street Dance” naman ang nakatakdang gawin
    Sa paligid nitong higanteng Mall sa ‘tin;
    Na naka-“Mascot” ang kasali pa manding
    Sa kung saan-saang iskwela nanggaling.

    Sa pangkalahatan itong ‘Pyestang Tugak’
    Ay tiyakang magiging masiglang ganap,
    Ng dahil na rin sa totoong pag-ganap
    Ni Oca sa opisyal niyang kapasidad!

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here