MARILAO, Bulacan – Sa selebrasyon ng National Disability Prevention and Rehabilitation Week, ay nagpakitang gilas sa pagpipinta ang mga taong may kapansanan gamit ang kanilang paa at bibig.
Ito ay sa harap ng publiko sa SM City Marilao dito kung saan itinanghal ang kanilang mga Art Exhibit bilang mga disabled Filipino artists.
Nagpakitang gilas sina mouth painters Jovy Sasutona at John Roland Feruelo at foot painter na si Amado Dulnuan.
Bukod sa pagtatanghal ng kanilang mga selected artworks, ay nagpakitang gilas ang mga ito pamamagitan ng actwal na pagpipinta gamit ang kanilang paa at bibig.
Ipinakita nila sa publiko na hindi balakid ang kanilang kapansanan upang patuloy na makapagpinta.
At ang produkto ng kanilang pagpipinta ay tila ipininta ito ng normal na tao gamit ang kamay at hindi iisiping ipininta ito gamit lamang ang bibig o paa.
Ang mga nabanggit na tatlong painters ay miyembro ng Association of Mouth and Foot Painting Artists o AMFPA – Philippine Chapter.
Ang pagpipinta gamit ang bibig o paa ang kanila ng ikinabubuhay.
Sa buong mundo, ang AMFPA ay mayroon ng mahigit 700 miymebro mula sa 74 bansa.
Si Dulnuan ay miyembro ng AMFPA’s mula pa noong taong 1986. Siya ay isinilang na walang mga kamay.
Kinilala na ang kanyang mga paintings hindi lamang dito sa Pilipinas kundi maging sa ibang bansa. Inspirasyon umano niya sa pagpipinta ang kanyang asawa at dalawang anak.
Samantalang si Sasutona naman ay naparalisa dahil sa isang diving accident. Siya ay hinikayat ni Dulnuan na i-develop ang talento sa pagpipinta sa pamamagitan ng bibig. At sa loob ng dalawang dekada ay na-master na niya ito at nakilala sa kanyang mga life artworks.
Gayundin naman si Feruelo, na naapektuhan ang katawan matapos din ang isang diving noong taong 1989 habang siya ay 24 gulang pa lamang. Siya ay dating draftsman at nahirapang maghanapbuhay para sa kanyang pamilya matapos ang aksidente.
Subalit hindi umano ito naging hadlang at kanyang natutuhan ang pagpipinta.
Sina Sasutona, Feruelo at Dulnuan ay naimbitahan sa bayan ng Marilao upang hikayatin sa pagpipinta ang iba pang mga taong may kapansanan upang patunayan na hindi balakid ang kapansanan upang makapaghanapbuhay.
Ang aktibidades na ito ay inilunsad ng Municipal Social Welfare and Development Office of Marilao, ang Foundation for PWDs sa bayan ng Marilao, at iba pang organisasyon dito.