Pusher huli sa drug operation sa Subic, Zambales

    437
    0
    SHARE
    SUBIC, ZAMBALES – Arestado ang isang drug pusher sa isinagawang drug buy-bust operation sa Barangay Calapacuan sa bayang ito noong Sabado ng hapon.

    Kinilala ni Chief Inspector Arnel Dial, hepe ng Subic Police Station, ang suspek na si Ferdinand Franco, 39, residente  ng nasabing lugar.

    Ang suspek ay hinuli habang nagbebenta ng shabu sa halagang P500.00 sa isang police poseur buyer.

    Narekober pa sa pag-iingat ng suspek ang may limang gramo ng shabu at ibat-ibang drug paraphernalia.

    Kasong paglabag sa RA 9165 o pagtutulak sa ipinagbabawal na droga ang kinahaharap ng suspek habang ito ay detinido sa Subic Municipal Jail.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here