Kinilala ni Chief Inspector Oriano Mina, hepe ng Subic police, ang mga suspek na sina Armando Habal, 46, at Evelyn Castillano, 55, pawang taga Sitio Tahimik, Barangay Calapacuan; Joel Requiestas, 33, at Jonathan Panuga. 18, ng Barangay Mangan-Vaca; Eduardo Gonzales ng Barangay Asinan Poblacion; Francisco Valdez, 48, ng Baranga Calapacuan; Manuel Avila ng Asinan Proper at Raymond Aringo ng Barangay Baraca, pawang sa bayan ng Subic; John Paul Tadeo, 21, Jephraim Sadora, 23, at Arjay Beltran, 18, pawang mga taga Barangay Laog, San Marcelino, Zambales.
Ayon sa ulat si Habal at ang 10 iba pang mga kasamahan nito ay magkakasabwat na nagbebenta ng plastic sachet ng shabu sa isang police poseur-buyer sa halagang P500.