Purok chairman binaril, patay

    591
    0
    SHARE

    SUBIC, Zambales – Dead on-the-spot ang isang purok chairman nang barilin ito ng di pa kilalang suspek kamakalawa ng madaling araw sa Purok 6-B, Barangay Calapacuan, sa bayang ito.

    Kinilala ni Senior Inspector Jelson Dayupay, hepe ng Subic police, ang biktimang si Faisal Talib, 41, residente nasabing lugar.

    Ayon sa ulat, natutulog sa stage ang biktima nang barilin ito ng kalibre 45 baril sa sintido na kaagad nitong ikinamatay.

    Nabatid pa na si Talib ay miyembro ng luponng taga-pamayapa sa Barangay Calapacuan.

    May hinala ang pulisya na ang naganap na pagpatay sa biktima ay may kinalaman sa isinagawang raid ng PDEA sa bahay ng isang drug pusher sa nasabing Barangay kung saan nakarekober ang mga awtoridad ng may mahigit sa 35 gramo ng shabu, ibat-ibang drug paraphernalia at marked money na nagkakahalaga ng may P140,000.00.

    Nagsagawa na ng imbestigasyon ang Zambales PNP hinggil sa nasabing krimen.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here