Punto reporter, 2 pa pinarangalan ng BulSU

    469
    0
    SHARE

    LUNGSOD NG MALOLOS – Tatlong mamamahayag sa Bulacan kabilang ang reporter ng Punto Central Luzon ang pinarangalan ng Bulacan State University (BulSU) dahil sa kanilang kontribusyon sa journalism education.

    Sila ay sina Romulo Maturingan ng GMA News Network, Carmela Reyes-Estrope ng Philippine Daily Inquirer, at si Dino Balabo ng Punto Central Luzon, Philippine Star at Mabuhay.

    Ang tatlong mamamahayag ay pawang part-time instructor sa BulSU College of Arts and Letters (CAL).

    Sila ay tumanggap ng parangal kaugnay ng isang linggong pagdiriwang ng CAL Week.

    Ayon kay  Florentino Pineda Jr., tagapangulo ng BulSU-CAL Department of Mass Communications and Performing Arts, ang tatlong mamamahayag ay pinarangalan dahil sa kanilang karanasan,kakayahan, at sakripisyo sa pagpapaunlad ng kaalaman at kakayahan ng mga mag-aaral ng pamamahayag.

    “They all served as an inspiration to our students and help enhance their potentials,” ani Pineda.

    Batay sa tala, si Maturingan ay nagsimulang magturo sa BulSU–CAL noong nakaraang taon kung saan ang mga tinuruan niya ay mga broadcasting majors.

    Siya ay naging mamamahayag sa ibat-ibang pahayagan, bago naging desk editor sa GMA Network.

    Sina Reyes-Estrope at Balabo naman ay nagsimulang magturo sa BulSU-Cal noong 2010.

    Si Reyes-Estrope ay correspondent ng Philippine Daily Inquirer sa Bulacan ay punong patnugot ng NewsCore, isang pahayagang lokal.

    Siya ay dalawang beses na tumanggap ng parangal na Gawad Plaridel mula sa pamahalaang panlalawigang ng Bulacan.

    Bukod naman sa Punto, si Balabo ay correspondent din ng Philippine Star, Pilipino Star Ngayon, Central Luzon BusinessWeek, news editor ng Mabuhay, isang lokal na pahayag sa Bulacan na itinatag noong 1980.

    Si Balabo ayi sa ring broadcaster ng Radyo Bulacan kung saan isinasahimpapawid ang kanyang palatuntunang “Puntong Bulacan, tuwing umaga, mula alas-7 hanggang alas-8,Lunes hanggang Sabado.

    Bilang isang mamamahayag, si Balabo ay tumanggap mga pagkilala bilang Civic Journalism Fellow ng Phlippine Press Institute, Jaime V. Ongpin Jounalism Fellow ng Centerfor Media Freedom and Responsibility (CMFR), at Kuwento Katutubo Fellow ng Probe Media Foundation Inc.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here