Pulis tumba sa tandem, 1 pa sugatan

    370
    0
    SHARE

    HAGONOY, Bulacan—Kinalawit ni Kamatayan ang isang pulis sa bayang ito, samantalang isa pa ang nasugatan nang sila ay pagbabarilin habang nag-aalmusal kahapon ng umaga.

    Kinilala ni Supt. Rizalino Andaya, hepe ng Hagonoy, ang biktima na si PO1 Alexis Francisco, na dating kasapi ng drug enforcement unit (DEU) ng bayang ito. Ang nasugatan naman ay nakilalang si PO1 JD Ventura na isinugod naman sa Bulacan Medical Center sa Malolos.

    Batay sa inisyal na imbestigasyon,kumakain ng almusal ang dalawang pulis nang pagbabarilin ng dalawang suspek sa Barangay San Agustin bandang alas-7:30 kahapon ng umaga. Ayon kay Andaya, ang dalawang suspek ay may kasama pang dalawa at tumakas sakay ng dalawang motorsiklong XRM.

    Nakarekober ng mga basyo ng balang kalibre 45 sa crime scene. Ang insidente ay naganap matapos ang masaker sa pamilya ni Andres Vengco noong December 26 at pagpatay sa retiradong principal na si Lucia Manila nitong Enero 12. Ayon sa pulisya, ang pagpatay kay Vengco at dalawang anak ay posibleng may kinalaman sa iligal na droga.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here