PULIS SA PUSHERS
    Mag-isip-isip kayo

    360
    0
    SHARE

    CABANATUAN CITY – Nagbabala ngayon ang isang mataas na opisyal ng pulisya sa lungsod na ito na hindi nila tatantanan ang pagtugis sa mga nagtutulak ng ipinagbabawal na gamot lalo na’t isa ito sa mga pangunahing kautusan ni Mayor Julius Cesar Vergara.

    “Mag-isip isip na sila,” ani Supt. Pedro Soliba, hepe ng Cabanatuan City police station (CCPS), patungkol sa mga nagbebenta ng shabu at iba pang iligal na droga.

    Ang babala ay ginawa ni Soliba matapos masakote kamakalawa ang dalawang babae na sinasabing nangungunang supplier ng shabu sa lungsod na ito at nahulihan ng kabuuang 95 sachet ng hinihinalang shabu.

    Tinatayang nagkakahalaga ng P500,000 ang nakumpiskang droga. Nabawi mula sa mga suspek ang tig-tatlong piraso ng P1,000 bill na ginamit sa buy-bust operations.

    Magkasunod na bumagsak sa kamay ng batas ang mga suspek na sina Liberty Disomimba alyas Jen, 34, ng Barangay Vijandre rito at Merry Princess Quinto,24, mula sa bayan ng Gabaldon, Nueva Ecija.

    Nauna rito ay pitong hinihinala ring tulak at gumagamit ng shabu ang nasakote ng mga otoridad sa tatlong magkakasunod na buy-bust operation sa pamumuno ni Soliba.

    “Ang drugs ay pinagmumulan ng mas maraming uri ng krimen tulad ng rape at robbery,” dagdag ng opisyal. Isa aniya ang paglaban sa mga sindikato ng iligal na droga sa naunang ipinag-utos ni Vergara na pagtuunan ng pansin.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here