Tumulak ang PNP mula Malolos City Convention Center patungong Simbahan ng Barasoain bitbit ang tarpaulin na may nakalagay na larawan ng SAF 44 at nakasaad ang pagsaludo at pagpapasalamat sa kabayanihan ng mga ito. Inilarawan nila ang SAF troopers bilang “special breed of men.”
Ayon kay Supt. Enrico Vargas, hepe ng Baliwag PNP, ang parada ay pagpapakita ng nakikiramay sila sa mga naulila ng Fallen 44 na nag-alay ng buhay para sa bansa.
Dapat daw na “Heroes 44” ang itawag sa mga ito na nagalay ng buhay para sa ikadarakip ng terorista.
Wala daw silang hangad kundi ang malaman ang katotohanan sa ginagawang imbestigasyon sa kasong ito.
Anim daw sa mga namatay dito ay graduates ng PNPA kayat labis ang kanilang kalungkutan ngunit ang kapulisan daw bagamat nalulungkot sa insidente ay nakatutok sa kanilang mga trabaho sa positibong paraan.
Dasal din daw nila na maging payapa na ang kaluluwa ng 44 pulis na namatay.
Matapos ang sympathy walk ay nagkaroon din ng misa para sa SAF 44.