Pulis Olongapo, huli sa panunutok ng baril

    424
    0
    SHARE
    SUBIC, Zambales – Kalaboso ang sinapit ng isang miyembro ng Olongapo City Police Office (OCPO) matapos itong manutok ng baril sa isang club parking attendant sa Barangay Calapandayan, noong Lunes ng madaling araw.

    Kinilala ni Chief Inspector Arnel Dial, hepe ng Subic Police Station, ang suspek na si PO1 Joseph Gelito, 30, at nakatalaga sa Olongapo City Mobile Group (OCMG).

    Ayon sa ulat, 1:40 ng madaling araw nang ang suspek at isa pang hindi kilalang kasama ay sakay ng single motorcycle na may plakang 7840 UE ng magtungo ito sa Pepecaca Bar sa Barangay Calapandayan.

    Nang makita umano ng suspek si Efren Sarmiento, parking attendant, binunutan ito ng caliber 45 pistola at saka itinutok sa mukha. Hindi pa umano nasiyahan ang suspek ay papaluin pa ito ng baril, subalit naawat lamang ito ng hindi kilalang kasamahan ng suspek.

    Sa imbestigasyon ng pulisya, nagpakilalang miyembro ng Philippine National Police ang suspek at ipinakita pa nito ang expired firearm license noong April 23, 2010, at wala rin itong maipakitang Permit to Carry Firearm Outside Residence (PTCFOR) na nagpapahintulot sa pagdadala ng baril.

    Narekober sa pag-iingat ng suspek ang isang kalibre 45 pistola na may serial no. 1122015 na may pitong bala.

    Ang suspek ay sinampahan na ng kasong illegal possession of firearm and ammunition sa tanggapan ng Provincial Prosecutor Office.


    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here