Home Headlines Pulis nagpaanak sa ilalim ng puno

Pulis nagpaanak sa ilalim ng puno

133
0
SHARE

ORANI, Bataan — Isang pulis ang nagpaanak sa isang ina sa ilalim ng puno matapos rumesponde sa 911 Emergency Rescue ang municipal police station sa bayang ito. 

Ayon kay Col. Marites Salvadora, Bataan police director, nakatanggap ng tawag ang Orani Municipal Police Station na may isang buntis mula sa Sitio Alikabok sa Barangay Bayan dito ang malapit nang manganak.

Agad rumesponde ang pulisya kasama si P/Master Sgt. Ronald Imperial na isa palang registered nurse bago nagpulis.

Nasa akto na ng panganganak ang babae kaya sa ilalim ng puno na ito inalalayan ni Imperial at mga kasama bago isinugod sa ospital.  

Sinabi ni Salvadora na ang 30- gulang na inang nagluwal ng sanggol na babae ay may kapansanan sa pag-iisip. 

Umani ng paghanga ang ginawa ng puisya ng Orani lalo na kay Imperial. Photo: Bataan PNP

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here