Home Headlines Pulilan bibili ng 80-K doses ng Covid vaccine

Pulilan bibili ng 80-K doses ng Covid vaccine

740
0
SHARE

Si Pulilan Mayor Maritz Ochoa-Montejo ng ipaliwanag sa ang mga detalye ng pagbili nila ng bakuna kontra Covid-19. Kuha ni Rommel Ramos



PULILAN, Bulacan — Sarado na ang kasunduan ng pamahalaang lokal
, national task force, Department of Health at AstraZeneca para sa 80,000 doses ng bakuna contra Covid-19 sa darating na 3rd quarter ng kasalukuyang taon.

Ayon kay Mayor Maritz Ochoa-Montejo, ang multilateral agreement ay sa pagitan ng AstraZeneca Pharmaceuticals Phils., Inc. kasama ang national government na kinatawan nina vaccine czar Carlito Galvez, Jr. at DOH Sec. Francisco Duque III para sa pagbili ng AZD1222.

Paliwanag niya kung bakit ang AstraZeneca ang kanilang napili ay dahil mayroon daw itong 90-95% efficiency dahil sa ginamit na platform o methodology na paggawa ng bakuna ay base sa paggawa ng bakuna kontra smallpox at measles.

Kapag dumating na ang mga bakuna ay nais niyang siya mismo at ang kanyang pamilya ang unang matuturukan para ipakita sa mga residente na ligtas ito.

Kasama naman sa prayoridad ang mga senior citizen at ang kabuuang work force ng kanilang bayan gaya ng mga tricycle, jeepney driver at manggagawa sa mga planta.

Target din nila ang 16-anyos pataas na maturukan ng bakuna.

Nakahanda na rin ang kanilang storage mula sa Department of Health at bukod doon ay kinausap na rin nila ang ilang planta sa lugar na maari nilang pag-imbakan ng bakuna.

Sa kabuuan ay naglaan sila ng P40 million para sa bakuna mula sa pinagsama-samang pondo ngayong 2021, nirealign na pondo noong 2020, at mula sa Department of Budget and Management.

Samantala, sa susunod na buwan ay inihahanda na rin ng lokal na pamahalaan ang pakikipagugnayan sa mga business group sa naturang bayan para talakayin ang mga plano sa gagawing pagbabakuna para sa mga manggagagawa.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here