Home Headlines Pugante arestado

Pugante arestado

1727
0
SHARE

(Balik kulungan si Gary Ruanto sa pag-turnover sa kanya sa Zambales Provincial Jail nina Col. Ponce Rogelio Peñones Jr. at Major Joan Sibayan matapos na mahuli makaraan itong tumakas. Kuha ni Johnny Reblando)

IBA, Zambales – Nasakote ng mga tauhan ng Zambales PNP ang isang takas na bilanggo mula sa Zambales Provincial Jail sa Sitio Balili, Barangay Palanginan sa bayang ito.

Kinilala ni Police Major Joan Sibayan, hepe ng Iba Municipal Police Station ang tumakas na preso na si Gary Ruanto y Bautista, 27, ng Barangay Bihawo, Botolan, Zambales.

Ang suspek ay may dalawang buwan pa lang nakukulong sa nasabing bilangguan matapos itong maaresto noong June 3, 2019 sa kasong “two counts of statutory rape” ng walang kaukulang piyansa sa sala ni Judge Maribel F. Mariano-Beltran.

Ayon sa ulat ang suspek ay nakatakas sa bilangguan noong Sept. 3 bandang 2:15 ng madaling araw sa pamamagitan ng pagsira sa “metal wire mesh” sa bubungan ng comfort room saka umakyat at tumalon sa kabilang bakod sa gusali ng Department of Agrarian Reform.

Ang suspek ay kaagad din nasakote ng mga pulis sakong 8:10 ng gabi habang ito ay naglalakad sa kahabaan ng GoVic Highway, Dirita , Iba.

Kaagad naman i-turnover ni Zambales Police Provincial Office director Col. Ponce Rogelio Peñones, Jr., ang nasabing suspek sa pamunuan ng Provincial Jail ng Zambales.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here