Pagpitada pa lamang ng campaign period
Ay dumagsa na ang mga nag-iikot
At nakatutulig na ingay ng showboat
Nitong sa gobyerno ay gustong maluklok.
At kung saan kahit alanganing oras
Ay di nangingiming mangampanya’t sukat,
Kaya’t tunay namang nakababanas
Ang paulit-ulit nilang patalastas;
Partikular na sa gustong mamahinga,
Makapananghali at oras ng siesta;
Na talaga namang nakasasawa na
At nakabubwisit sa taynga ng masa.
At maging ang pinaka-liblib mang lugar
Ay nararating ng karamihan po n’yan,
Kung saan ang lahat na’y isinusugal
Upang mangibabaw lamang sa kalaban.
At ultimong laman ng bulsa ng iba
Ay itinataya sa pangangampanya,
Kaya anong maasahan sa kanila
Kundi ang posibleng ya’y bawiin nila?
At ang kahantungan ng panunungkulan
Ay tiyakang walang buting kahinatnan,
Pagkat imbes maging haligi ng bayan
Ay baka sila pa ang magsilbing anay!
At saan posibleng mabawi po nila
Ang napakalaking sinunog na pera,
Kung di sa pagiging corrupt n’yan kumbaga
Kapag sa gobyerno ay naipuesto na?
Tulad na lang nitong mga kandidatong
Pampanguluhan d’yan o Presidentiables,
Sa akala n’yo ba’y kakasya ang milyons
Nina Noynoy, Villar, Estrada at Gordon?
Tama’t may limit ang pag-gastos umano
Ng kahit sino pa sa anumang puesto,
Pero kailan na ba nangyaring totoo
Ang expenditures na sinumite nito?
Gaya na lamang ng tayo ay humabol
O kumandidato sa pagka-councilor,
Di man nagkasya ang sampung libo noon
Pero yan ang report sa ‘ting expenditures.
Papano nga po ay limitado kasi
Ang report na dapat nating isumite,
Kung kaya kahit na lubhang imposible
Ay siyang inilagay namin na nangyari.
At taga Comelec mismo ang nag-warning
Na ang expenditures o naging gastusin
Ay di nga po dapat nating palampasin
Sa isinasaad ng kanilang ruling.
Pero kakasya ba sa Presidentiable
Ang kahit doblihin n’yan ang daang milyon,
Kung presyo ng bawat poster o sampol
Ay di bababa sa tatlong piso ngayon?
Kaya nga’t marahil ang marami nito
Ay nandaraya na sa naturang punto,
Upang makaiwas sa kung anong kaso
Na posibleng kaharapin ‘pag nanalo.
Kaya nga’t sa ngayon anong naging isyu
Sa nakararami nating pulitiko,
Kundi ang ika nga ay natin ay magkano
Ang mapuesto kaya sa ating gobyerno?
Gaya na lang nitong di pa man ay milyons
Na ang pinuhunan ng Presidentiables,
Na tulad ni Villar, Gibo, Noynoy, Gordon,
At ng iba pang nasa higher positions!
Ay dumagsa na ang mga nag-iikot
At nakatutulig na ingay ng showboat
Nitong sa gobyerno ay gustong maluklok.
At kung saan kahit alanganing oras
Ay di nangingiming mangampanya’t sukat,
Kaya’t tunay namang nakababanas
Ang paulit-ulit nilang patalastas;
Partikular na sa gustong mamahinga,
Makapananghali at oras ng siesta;
Na talaga namang nakasasawa na
At nakabubwisit sa taynga ng masa.
At maging ang pinaka-liblib mang lugar
Ay nararating ng karamihan po n’yan,
Kung saan ang lahat na’y isinusugal
Upang mangibabaw lamang sa kalaban.
At ultimong laman ng bulsa ng iba
Ay itinataya sa pangangampanya,
Kaya anong maasahan sa kanila
Kundi ang posibleng ya’y bawiin nila?
At ang kahantungan ng panunungkulan
Ay tiyakang walang buting kahinatnan,
Pagkat imbes maging haligi ng bayan
Ay baka sila pa ang magsilbing anay!
At saan posibleng mabawi po nila
Ang napakalaking sinunog na pera,
Kung di sa pagiging corrupt n’yan kumbaga
Kapag sa gobyerno ay naipuesto na?
Tulad na lang nitong mga kandidatong
Pampanguluhan d’yan o Presidentiables,
Sa akala n’yo ba’y kakasya ang milyons
Nina Noynoy, Villar, Estrada at Gordon?
Tama’t may limit ang pag-gastos umano
Ng kahit sino pa sa anumang puesto,
Pero kailan na ba nangyaring totoo
Ang expenditures na sinumite nito?
Gaya na lamang ng tayo ay humabol
O kumandidato sa pagka-councilor,
Di man nagkasya ang sampung libo noon
Pero yan ang report sa ‘ting expenditures.
Papano nga po ay limitado kasi
Ang report na dapat nating isumite,
Kung kaya kahit na lubhang imposible
Ay siyang inilagay namin na nangyari.
At taga Comelec mismo ang nag-warning
Na ang expenditures o naging gastusin
Ay di nga po dapat nating palampasin
Sa isinasaad ng kanilang ruling.
Pero kakasya ba sa Presidentiable
Ang kahit doblihin n’yan ang daang milyon,
Kung presyo ng bawat poster o sampol
Ay di bababa sa tatlong piso ngayon?
Kaya nga’t marahil ang marami nito
Ay nandaraya na sa naturang punto,
Upang makaiwas sa kung anong kaso
Na posibleng kaharapin ‘pag nanalo.
Kaya nga’t sa ngayon anong naging isyu
Sa nakararami nating pulitiko,
Kundi ang ika nga ay natin ay magkano
Ang mapuesto kaya sa ating gobyerno?
Gaya na lang nitong di pa man ay milyons
Na ang pinuhunan ng Presidentiables,
Na tulad ni Villar, Gibo, Noynoy, Gordon,
At ng iba pang nasa higher positions!