Home Headlines PSA, nagsagawa ng PhilSys Regional Roadshow

PSA, nagsagawa ng PhilSys Regional Roadshow

848
0
SHARE

SUBIC BAY FREEPORT ZONE (PIA) — Humigit kumulang 200 kinatawan mula sa gobyerno at pribadong sektor ang dumalo sa idinaos na Philippine Identification System o PhilSys Regional Roadshow ng Philippine Statistics Authority o PSA.

Kabilang sa mga nakibahagi ang mga nasa bangko, remittance center, financial institutions at academe.

Ayon kay Assistant National Statistician  Emily Pagador, layunin ng aktibidad na ito na ipakilala ang PhilSys at ang Application Programming Interface o API-enabled services.

Si Assistant National Statistician Emily Pagador sa isinagawang Philippine Identification System Regional Roadshow ng Philippine Statistics Authority sa Subic Bay Freeport Zone. (Reia G. Pabelonia/PIA 3)

Hangad din nito na makapagbigay ng patnubay sa mga pribado at pampublikong institusyon sa pagsunod sa Executive Order No. 162 na nakatuon sa pagtanggap ng Philippine Identification Card o PhilID bilang sapat na patunay ng pagkakakilanlan at edad sa lahat ng transaksyon.

Kaugnay nito, binigyan diin din ni Pagador ang kahalagahan ng pagkakaroon ng PhilID.

Aniya, ito ay makakatulong sa nga low-income group na mapakinabangan ang mga serbisyo ng gobyerno para ma-verify ang kanilang pagkakakilanlan, mapabilis ang mga transaksyon, at makapagbukas ng bank account gamit ito. (CLJD/RGP-PIA 3)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here